Welcome new generations

Di ko na kilala mga nakikita kong URL sa dashboard ko O.O Yung mga pamilyar naman sa facebook at totoong buhay na lang kami nagkikita kita haha. Nakakatuwa lang na halos tatlong taon na pala mula nung nakilala ko ang mga kaibigan ko dito, well pati kasi girlfriend ko dito ko nakilala(hehe) So ayun. 

Lord maraming maraming salamat po sa lahat ng blessings sa nagdaang taon. Ngayong taon ko narealize na kaakibat ng bawat problema at sangkaterbang pagpapala at pagmamahal mula sa inyo. Salamat po ng lubos sa patnubay at pagbibigay ng lakas sa gitna ng mga pagsubok. Naway patnubayan Niyo pa po kami at patuloy na pagsabuyan ng inyong pagmamahal. :) Thank you 2012 is another year in Your Name’s favor. Amen.

Nakakatamad man sumulat muli ng pagkahaba habang mga sulatin, sinusubukan ko namang buhayin ang pahinang ito, pero ganun talaga, pasulyap sulyap na lang at mangilan ngilang pasaring sa binabato ng buhay ang nagagawa ko. Buti na lang kahit papano may ilan pang kumakausap sakin dito. Haha.

Happy new year guys!!!

Welcome 2012 with a smile. 

  1. mina-mahal-ka said: happy new year chin chan!
  2. okaykabachan posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZbUoSyE2Kzk4