Ang taong hinde makamove on

Pessimistic. 

Kasi madalas niyang maalala yung masasakit na sandali pero tinatabunan niya ng pilit yung mga masasayang araw na kasama niya yung taong sinasabi niyang mahal na mahal niya. Pwede ba naman yun, puro lang ba sakit naramdaman mo kahit nung nagsisimula pa lang kayo. Imposible yun, pano mo naman kasi masasabi na nainlove ka sa kanya kung sa kabuuan ng pagasasama niyo ay sakit at hinanakit lang ang naihatid niya sa’yo.

Sa isang relasyon, o sa simpleng bagay sa buhay ng tao sa araw araw mas magiging magaan ang pagtrato sa bawat sitwasyon kung mas lamang at mas matimbang sa puso at isipipan ang positibong mga pangyayari, at kung ano ang meron ka sa halip na ang nawala.

  1. chemical-stripper said: Napapanahon naman ‘to bb. Salamat~~~
  2. okaykabachan posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZbUoSyFpQH1g