Kakatwang love triangle ng Pinoy

  • Good si bidang lalaki good si bidang babae mapagbigay si third party

Ito yung bibitaw na lang ng linyang "sige <insert man’s name> palalayain na kita kasi sa kanya ka naman masaya". Ka tindi no? Kabait ng third party sa mga pelikulang ito noon at ngayon. 

  • Good si bidang lalaki good si bidang babae, namatay si third party

Sa sobrang bait ni third party nakuha niya pang isakripisyo ang sarili niya para kay bidang lalaki. Yung tipong sasaluhin niya yung bala na para sa bida at bibitaw ng linyang “Tandaan mo <insert man’s name> mahal na mahal kita”. How touchy naman kaso dead pa din sa dulo.

  • Good si bidang lalaki good si bidang babae nabaliw si third party

Sa palabas na ganito, kadalasan mayaman si bidang lalaki o isang bad boy ng kanilang lugar. Sa sobrang pagkahumaling ng third party girl sa bidang lalaki ay hinde nito matatanggap na si bidang babae ang makakatuluyan ni lalaki. Sa huli baliw ang kalalabasan ni third party.

  • Good si bidang lalaki good si bidang babae pumapatay si third party

Si third party girl sa ganitong eksena ay maaring miyembro ng sindikato o di kaya naman ay siya mismo ang kalaban. Nag uutos na ipadukot si bidang babae para pahirapan at sa huli naman e maliligtas lang din ni bidang lalaki.

*Ang mga eksenang ito ay maaring pagbaliktarin ang bidang babae, na maging bidang lalaki at ang bidang lalaki ay nasa katayuan ng bidang babae.*

  1. sibubuyogatbulaklak reblogged this from okaykabachan
  2. chinibebang reblogged this from okaykabachan
  3. imperfectjeck reblogged this from okaykabachan
  4. okaykabachan posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZbUoSy2dQ02a