The P 99.00 Trend
Kung mapapansin mo, este kung mapapansin ng mahihilig mamili ng kung ano ano, trending yung advertising pricing strategies ngayon. Advertising strategies in a sense kasi nakakapukaw atensyon ang mga presyong hinde aabot ng isang daan kaya ang daing sayo e nakakatipid ka kahit piso lang naman talaga ang tunay na sukli mo.
Unahin na natin yung sa mang inasal, P99 tapos unli rice, grabe no, tanda ko pa noon na kung ganitong presyuhan lang e wala kang makukuhang ganyang benefits noon. Nakaktulong nga naman na ang trend sa merkado ay pumapabor sa mga kapos o dun lang sa middle class. Maraming nabibili ngayon na gamit na hinde na ganun kamahal o di kaya nabibili mo na kasi mas flexible na ang options mo. Well buti na rin yun para kahit papano hinde napapansin ng mga konsyumer na iisang o iilan lang din ang may ari ng naglalakihang sangay ng fast food at mall.
Trends sa Food, Mall at Galaan:
1. Mang inasal
2. Savemore
3. Puregold
At kung ano ano pang biglang nag sulputan na parang kabute sa dami. Kakaiba no? Para nga naman daw bawat siyudad e may Savemore at Puregold, tapos bawat kanto may unlimited rice ka :P