Hinde sa huwag kang makinig sa tsismis
Mas paniwalaan mo lang yung taong mahal mo. Sapat na yun para magtagal kayo at mas tumibay ang pagsasama niyo. Malampasan niyo lang ang stage ng sobrang duda, malaking bagay yun sa inyong pagsasama. Hinde maiaalis ang selos, pero kung mag duda ka sa taong pinaglaanan mo ng pagmamahal, oras at pagsusumikap ng ganun ganun na lang e ibang usapan na ata yun.
Mahirap kasing mawala ang duda lalo na kung inuuhanan ka ng isip bago nararamdaman. Yung pupuntiryahin ng duda bawat natitirang tiwala hanggang lokohin mo na lang sarili mo na naniniwala ka pa sa bawat salitang nagmumula sa kanya.
Konting ingat lang, ang selos kapag may kaakibat na duda, mahirap alisin yan, kaya konting isip isip at huwag padalos dalos sa mga bibitawang salita at sa iyong mga gawa.
Being happy is always optional
It will depend on the choices you will make. Not all people who have the money and all the riches in the world are happy. Hinde rin lahat ng buo ang pamilya ay masaya kumpara sa mga lumaking salat sa kalinga. Hinde porket laki sa kalye ang isang tao ay may kakulangan siya sa pagkatao.
Kung mapapansin mo, sa Pilipinas pa lang, mas namomrblema pa ang mga mayayaman sa kung paano palalaguin ang perang meron na sila kumpara sa mahihirap na ang tanging iniintindi ay kung makakakain lang sila ng sapat sa buong araw. Isa ngang basehan ng pagiging masayahin ng mga Pilipino ang patuloy na pagngiti sa harap ng mga pagsubok.
Nakakaluwag ng loob yung makakita ka ng mga nakatira sa squatter’s area na alam mong nahirapan sila buong araw makaraos lang, tapos naghahalakhakan pa din tuwing nagkwekwentuhan. Nakakabawas ng problema yung humanap ka ng magiging inspirasyon at paghuhugutan ng kaisipang “maswerte pa pala ko ng lagay na to” at maitatak mo sa kokote at sa puso mo na bawat problema may solusyon, na bawat pagsubok na ipagkaloob at siguradong may lusot.
SYOTA si “Short-Time” jowa
Bakit maikli lang ang kadalasang tagal ng makabagong relasyon? Aba malay ko. Pero ang isang bagay na maaaring hambingan kung bakit ganito ang nangyayari ay ang mabilis na pag usad ng teknolohiya. Kung mapapansin mo, noong araw matiyaga ang mga magkakasintahan sa paghihintay ng sulat na hinde man lang nila alam kung kailan ang saktong oras ng dating, ang ilan nga sa kapalati pa umaasa para sa sulat, e ngayon? Text? Facebook? At kung ano ano pa, isang minuto lang di nakareply, magagalit na, mag iba lang ng status si jowa ng hinde mo alam, away na.
Nakakatawa lang kasi bakit yung mga naunang henerasyon kinaya ang sulatan o kahit isang taong pagitan ng pag uusap at ngayon ay masaya pa din. Sana maibalik kahit dun lang sa simpleng pagtatiyaga ang pagpapakita ng tiwala at tatag ng isang relasyon. Sa bilis ng text, sumasabay na rin ang bilis ng oras na meron ang isang relasyon. Tipong ginagawa pang “world record” ang pinakamabilis na divorce? Kaloka di ba?