Kahit anong sulat mo….

Kahit anong payo ang ibigay mo, hinde maiiwasan ang masaktan kapag nagmahal ka. Sabi nga ni Amigang Leo a.k.a angboyfriendmo, huwag ka ng magmahal kung di ka handang masaktan. Maraming tao ngayon ang sanay na ipangalandakan na mahal na mahal nila ang isang tao, yung tipong isang buwan pa lang sila nagkapangakuan na ng habang buhay na pagmamahalan.

Wala namang masama sa ganun. Kaso, ang nangyayari, maghiwalay kayo bigla, yung isa bitter, pero yung isa mabilis maka move on. Sobrang kapit kasi at sobrang pageexpect na sa unang pagkakakilala pa lang, natuwa ka lang sa nauna mong naramdaman inisip mo ng mahal mo na, hinde ba pwedeng nagustuhan mo muna yung ugali niya, may naalala kang kakilala o pwede ring nakahanap ka ng bagong ate o kuya sa kanya. 

Uso ngayon ang “SYOTA”. Ang short time para sa pagkakaroon ng boyfriend at girlfriend sa makabagong panahon. Magkakabarkadang nagpapasahan ng mga nagiging jowa na ok lang sa isa’t isa yung ginagawa nila. Yung wala palang emotional at spiritual attachment yung mga nangyari sa kanila. Kakatwa lang na may routine na yung madalas iwanan ng mahal daw nila, papasok sa bagong relasyon kahit wala pa ngang closure yung isa, tapos sasabihin bigla “mahal ko pa ata siya” nakaka**** di ba. 

Kaya ang benta ni papa jack at ng mga taga payo sa radyo at tv e. Nagpapayo sila sa mga tao na kahit obvious na yung sagot sa tanong nila, paulit ulit lang nilang binabaon sa kokote at sa puso nila, para lang tuluyan nilang matanggap na hinde na sila, at hinde pwede yung “pwede pa ba?”