Tips para di masikipan sa jeep:

  • Para sa katamtaman ang laki ng katawan

Mabuting umupo sa kahit anong side ng jeep. Hinde ka na mag iisip na ikaw ang dahilan ng kasikipan dahil katamtaman lang naman ang kaha mo. Huwag ka na lang lumingon sa iba para di ka madamay sa sigaw ng barker.

  • Para sa payat

Mabuting umupo sa side na may mataba. Yung tipong mukha ng hinde kakasya ang dalawang tao kung hine ikaw at ka size mo ang uupo. Mabuti ito para makaiwas kayo, oo ang mga tao sa jeep sa sikip at pilit siksik na tinatawag ng karamihan.

  • Para sa matabang katulad ko

Ugaliing piliin ang side ng jeep na may payat o di kaya naman ay dun ka na sa wala kang kasize, please lang, huwag kang uupos sa side ng jeep na meron ng mataba kasi ang siyaman e nagiging pituhan lang, sa huli pipilit pa din ng drayber o ng barker na siyam ang kasya, minsan mapaparinggan ka pa na hinde ka umuusog kahit pinipilit mo sa abot ng iyong makakaya na siksikin ang sarili mong taba makaupo lang ang iba.

  • Para sa malaki ang kaha o sadyang matangkad lang

Try mo mag ibang way, bus o mrt/lrt, ang hirap kasi mag isip kung pano hinde sisitahin ng barker ang mga 6 footer e o kaya yung pang dalawang tao talaga ang kaha kahit hinde ka mataba. O kaya magbayad ka na lang ng para sa dalawang tao kung gusto mo lang naman.

PS: di ka pwede sa MOA cabs kasi hinde na makakapasok ang ibang pasahero sa liit ng multicab  na yun.

Noong mauso si FACEBOOK

  1. Mas pinag aawayan pa ng mag syota ang status kaysa personal na away
  2. Mas malala pa ang away kapag sa facebook nag kaasaran
  3. Mas mahalaga ang STATUS mo kaysa yung pinapapasang term paper or reaction paper
  4. Mas mahalaga na ang itsura ng Profile Pic mo kaysa sa memories na naitatago ng bawat larawan.
  5. Ang dami mo ng pera at pagaari, kaso online lang
  6. Natuloy ang pang stalk mo sa crush mo nung friendster now sa fb naman.
  7. Naiinis ka na sa magulang mo kasi pilit kang inaadd sa facebook pero noong di ka nila pinapansin e galit ka din.
  8. Sa halip na sa chat, e sa facebook ka na rin nakikipagusap, via wall post pa.
  9. Walang natatapos na assignment o trabaho ang kahit sinong ang facebook(kaso sa tumblr walang nasisimulan)
  10. Biglang may mag add sayo tapos kapag naaccept mo na, mag comment ng “uy kamusta ka na” sasagot ka naman ng “ito ok lang, ikaw? kaso di mo naman talaga siya maalala o baka di mo pa talaga kilala.

Kasinungalingan 101

Mga bagay na nagagawa mo bago ka magsinungaling sa isang tao.

  • May kasalanan ka

Ayaw mo siya masaktan o madisappoint kaya naisipan mo na lang magsinungaling kahit papano e mababawasan ang problema.

  • Bago mag sinungaling nakakaisip ka na ng 2 hanggang 3 alibi

Syempre para pulido ang kasinungalingan madalas naiisip mo na ang dalawa o hanggang tatlong alibi mo. Yung tipong iniisip mo na yung palusot na hinde mahuhuli.

  • A lie after another

Kapag kinagat na yung unang kasinungalingan mo, madalas nasusundan pa yun para pagtakpan ang naunang kasinungalingan, syempre para di ka mahuli di ba. Ilalayo mo ang katotohanan kaya bihira ka magbanggit ng pangalan o mga tao na makakasira sa kasinungalingan mo.

Concrete Example:

  1. Late ka sa usapan niyo
  2. Tinext ka niya kung nasan ka na
  3. Sabi mo on the way ka na kahit nasa bahay o opisina ka pa
  4. Ilang oras na siyang naghihintay, tapos sabi mo traffic, kahit kasasakay mo pa lang ng sasakyan
  5. Nagkita kayo at umarte ka pang pagod kasi traffic nga at pag naniwala siya, ayun kalimutan na ang araw na yun.

Mas nakabubuti pang magsabi ng totoo kasi kapag ang patong patong nakasinungalingan ang nahuli at nabunyag, patong patong din na sakit yun para sa taong sinabihan mo nun. 

Nakiuso, Nakikiuso, Makikiuso

  • Bisyo-Alak/Sigarilyo/Babae/Sugal: 

Kapag ang kabarkada may bisyo, kung madalas mo kasama ang mga ito, hinde malayong isa sa mga bisyo na yan e mahahawa ka o kaya naman e masusubukan mo ng di oras. Kahit anong tanggi mo, kapg di ka nagpalit ng tropa e wala kang magagawa.

  • BF/GF

Ito ang uso ngayon, kapag meron ang isa, meron dapat ang lahat, kung wala naman madalas wala din ang iba. Alam mo yung ayaw niyo maghiwahiwalay ng trip? Pero sa tingin niyo nakakatulong na porket may jowa ang isa meron din ang iba, madalas nga ngayon pasahan lang ng syota lalo na sa mga kabataan ngayon.

  • Social Networking

Kung may tumblr ang tropa o kaya facebook o yung madalas marinig na twitter e malamang sa malamang mapipilitan kang gumawa niyang account kahit di mo naman nabubuksan. Masabi lang na may fb para di mapagtripan

  • Strabucks/Sosyal na kainan

Isa pang nauuso ngayon e yung tipong wala ka na ngang pera e ipipilit mo pa rin na makisabay sa kung ano ang meron sa iba. Kaloka, mag Starbucks ka kahit alam mong pwedeng pang dalawang araw na baon na yun ng ordinaryong estudyante? O kaya naman e kung mag aya sila sa medyo mahal na kainan e makikiride ka kahit wala ka namang pera, hinde na ba uso ang huminde?

  • Galit sa trending

Ito ang pinakauso dito sa tumblr, nalaman mo lang ang salitang trending at yung pagiging papansin na “mature” o di kaya naman e “i’m not tumblr famous” thingy e nakikisabay ka sa pagaway dun sa mga “nabansagan” lang naman wala namang ginagawa. Kasi naman pwede namang manahimik kung walang alam.

Random Tip: Pano unti unting pigilan ang galit?

  • Faith

Kung naniniwala ka at nanampalataya sa Diyos, at Siya ang may kontrol sa buhay mo, hinde mahirap ang pagpigil o pagkontrol ng galit. Hinde mo maiiwasan ang galit pero pwede mo itong maiwasang ibunton sa iba at piliing isantabi at hayaang humupa. O di kaya naman at maiwaksi ito ng tuluyan dahil sa mga bagong pananaw sa buhay.

  •  Tignan mo ang ibang galit na galit

Kung makikita mo ang isang taong galit na galit sa kapwa niya ano ang mapapansin mo? Di ba ang sagwa? O kaya mapapatanong ka, bakit kaya siya ganun. Isipin mo pwedeng ganun din ang itsura mo o di kaya mas malala ka pa kung galit ka.

  • Isiping walang mapapala.

Madalas mo maranasang magalit? May napala ka ba? O marami kang kakilala na madalas magalit, may napapala ba naman sila? Ano kasikatan sa maling dahilan? E kung nananahimik ka na lang e di sana wala ng gulo masaya ka pa sa tahimik na buhay mo.

  • Para rin sa’yo yan

Nakakatanda ang galit at madalas na pagsimangot. Oo proven na yan. Mas maraming muscles ang nagagamit sa pagsimangot at pagkunot kunot ng noo mo kaysa sa pag ngiti ng buong giliw. Tandaan, nakakastress ang galit, tatanda agad itsura mo, baka dumali pa buhay mo sa mundo.

Tips bago, habang at pagkatapos maholdap

Before:

  • Manalig ka

Manalig at magtiwala sa Diyos na hinde ka mahoholdap o kung maholdap ka man e walang mangyayari sayong masama

  • Umaktong walang pera

Effective yun kasi kapag sa tingin ng nagbabalak sa iyo na wala kang pera o kahit ano mang mahalagang bagay e hinde ka naman niya pagaaksayahan ng panahon.

  • Huwag magkaroon ng routine-route

Ito yung parehong daanan lalo na kung madilim ang lugar na iyon, ayon sa aking source, ang ilang holdaper e nagaabang lang ng paulit ulit na dumadaan sa isang lugar at tatiming na wala ng ibang tao.

  • Huwag kang aanga anga

Yung tipong masyado kang pademure o halatang walang alam sa lugar na nilalakaran mo, kung hinde ka man maholdap e mapagttripan ka ng mga tambay for sure

  • Hiwahiwalayin ang pera

Kung gusto mo namang may patira sa pera mo kung sakaling maholdap ka e ganyan gawin mo, isang part sa bag, yung iba sa wallet yung iba sa bulas at kung saan saan pa.

  • Maging mapagmasid sa paligid lalo na kung nasa jeep o bus

Mapapansin mo naman at mararamdaman kung may grupo ng holdaper na sasakay o nakasakay sa bus. Lalo na kung nasa jeep ka lang halatang halata, ganito tipikal na pwesto nila

isa sa tabi ng drayber, isa sa dulo ng jeep, dalawa sa gitna ng jeep

During:

  • Lumaban kung kaya mo naman

Kung nagsanay ka ng self defense at sa tantiya mo naman e kaya mo ang kaharap(kung isa lang naman siya at mukhang patpatin tapos walang armas) go lang di kita pipigilan.

  • Ibigay mo na lang

Mas mahalaga ang buhay mo kaysa materyal na bagay kaya please huwag ka ng pakipot 

  • Pagmasdan ang mukha o pagkakakilanlan

Kung wala ka ng magagawa alamin mo na lang ang ilang detalyeng makakatulong sa paghanap sa mga mokong na yan at sa susunod mahuhuli din sila.

After:

  • Magdasal, kumalma maghanap ng karamay

Kasi nakakatrauma talaga yan kaya kailangan mo ng matibay na kalooban at ilang sandigan.

  • Pag aralan ang mga naunang steps ng di na maulit

Justice system = Sorry + influence

Ilang buwan ng nakakulong ang Morong 43, apat naput tatlong(43) health workers na hinuli ng militar sa paghihinalang miyembre sila ng rebeldeng grupo. Tama ba o mali? May sapat na katibayan bang magpapatunay sa mga alegasyon? Ang problema kasi, ihahain ang ebidensya kapag hinanap lang hinde yung pagkahuli ng mga yun. 

Tapos sa loob ng halos apat na buwan sa rehimeng aquino, ano nangyari? Kailangan pang magpapansin ng mga nakakulong na health workers? O pansinin ito ng mas nakararami para lang masabing, “hey nandito kami nakakulong ng walang sapat na ebidensya” tapos ngayon magbabago ng desisyon dahil sabi ng pangulo. Ano ba hustisya ngayon? Kapag sinabi ko may kasalanan ka, meron na agad? Tapos pag mali ako hihingi na lang ako ng pasensya? San na ba lulugar ang mga taong nasa mahihirap na sitwasyon at kalagayan sa buhay kung ang sinasabing katarungan para sa lahat ay tila malabo pa rin hanggang ngayon dahil na rin sa kalabuan ng sistema. Nakakaawa naman ang hinde lang Morong 43, mga biktima ng maguindanao massacre at kung ano ano pang mga kasong tila mababaon na lang sa hukay pati mga kaanak ng biktima at nakakulong e hinde pa natatapos ang mga kasong ito.

Sa parehong pagkakataon, bakit nga ba mas mahalaga at mas mabigat ang pagpapahalaga sa mga prominenteng tao sa bansa? Kapag napawalang sala yung nakaargabyado sa kanila bakit ang sigaw din nila, “bulok ang sistema” o kaya mag uubos ng limpak limpak na salapi mabago lang ang desisyon ng korte. Kakaiba di ba? Ikaw? Mangingilag ka na ba gumawa ng labag sa batas? 

Buhay sa pampublikong paaralan

Noong elementarya pa ako o mababang paaralan ito ang madalas kong maranasan sa loob at labas ng aming paaralan sa makati.

  • Tindera rin pala si Ma’am

Mga ginagalang nating guro na sa sobrang baba ng sahod ay nagkukumahog na magdala ng ilang paninda sa paaralan para magbakasakaling maialok sa mga magaaral. Noon elementarya ako ang madalas na tinda e yung tingi tingi lang naman.

  • Sayaw naman tayo

Ito ang araw na pinakahihintay ng ilang mag aarala. Nananalangin na sana ang makapareha sa sayaw ay ang “crush” nila. oo uso ang field day noon at hanggang ngayon naman ata. Yung may iba ibang sayaw na itatampok sa araw na iyon. Oo red pajama and kamisa de tsino days.

  • Ang kulay ng iba’t ibang bansa

Grabe yung mga suot di ba? Iba ibang kasuotan ng iba’t ibang bansa sa araw ng mga nasyon. Kaloka ang mga napipiling kalahok, todo bihis kala mo may koronasyong magaganap :)

  • Go, Grow, Glow

Kumain ng tama. Yan ang payo sa health class namin. Tama di ba? Ang mga grupo ng pagkain na nahahati sa tatlong kategorya. Madalas pa nga ang essay writing at poster making sa ganitong panahon ng kalusugan.

  • May klase sa sabado para sa mga adik sa math

Ayun o, mga adik at nais matuto ng advance sa mga klase sa math. Yan ang uso noong elementarya at high school. Ano nga uli tawag dun? M.T.A.P tama? Haha ilang taon din akong nag ganyan kahit wala na kaming pera wahaha

  • Uso ang hiraman ng laruan

Business ko kasi to dati. Magdadala ko ng mga laruan ko tapos paparentahan ko per oras. Ang galing no ke bata bata ko pa noon magulang na sa mga ganitong bagay. Mahusay na bata. 

  • Isuot mo sa I.D mo mamaya laro tayo

Alam mo yung parang beads na isinusuot sa I.D lace? Ayun uso yun samin na pinagpupustahan parang jolens ang laro. Kaloka lang kasi masasakal na ko noon dahil sa dami ng nailagay ko sa lace ko.

  • Kab’s/Star/Boy/Girls Scout

Di mo naranasan ang mga berdeng kasuotan? E yung may scarf pa tapos may kalabaw. Paunahan pa ang mga volunteer sa pag tataas ng flag tuwing flag ceremony

Rules are meant to be broken

Yan ata ang panata ng maraming Pilipino. Masakit man aminin pero ang pinakamalalang halimbawa at kitang kita sa ating lansangan lalong lalo na sa batas trapiko:

  • No Parking
  1. Double Parking
  2. Parking in a NO PARKING zone

Alam mo yung nakakairita tingnan yung mga kotse na nakaparada pero kapag tumingala ka sa tabi lang nila ay may sign na /P. Kaloka di ba. O kaya ano pang mas sisikip sa eskenita na masikip na nga may naka park pa sa parehong side ng kalsada.

  • Beating the RED, RED, RED light

Ilang daang beses na kong nakakita ng mga sasakyang ganyan. E san ba naman kasi ko lumaki, address namin 1831 South Super Highway Paco Manila. Kaloka, masteral na ko sa pagtawid. Tapos biglang, nasa tamang tawiran ako may mag cut o magpatakbo kahit stop, crap buwis buhay mode ba gusto nila.

  • Jaywalking sa obvious

Aminin mo na nakakatamad maglakad papunta sa pedestrian lane o di kaya umakyat ng overpass.

  • Bawal Magbaba at Magsakay. Bawal nga sabi e!!!!

Bakit ganito? Kasi malabo ang mga sign kung saan ba talaga pwede at bawal magsakay o magbaba ng pasahero. Kung hinde nawawala yung mismong sign dahil nanakaw at nabakal na, pwedeng ang katabi niya e “LOADING and UNLOADING ZONE”. Kita mo na, ano ba talaga kuya.

Hinde na ba masaya maging bata?

Hinde ginawa o isusulat o sinulat ang paskil na ito para mang insulto, o kung ano mang masamang epekto sa kabataang makakabasa nito. Ito ay sariling pananaw at sadyang pumukaw lang sa aking atensyon.

Ganun na ba kasama maging bata? Sa tinagal tagal ko kasi dito(mag iisang taon(1 year) pa lang ako sa tumblr) e ayan ay isa na sa mga isyu na hinde mawala wala o sa totoo lang maraming kabataan ang hinde nakakaintindi. Marami kasing paskil ang mga kabataan dito edad labing lima pababa(15 and below) pero hinde lahat, na tila nagmamadali silang tumanda o nagpapanggap ng may sapat na kaalaman sa kung ano ang buhay.

Hinde ba masaya ang kabataan ngayon? kasi tanda ko nung ganun ang edad ko, hinahanap ko pa din ang saya ng pagiging bata. Yung wala masyadong iniisip bukod sa simpleng takdang aralin tapos laro sa labas ng bahay. Wala na ba talaga to ngayon? Dito na nabubuhay ang kabataan? Seryoso? Wala ba kayong kalaro sa komunidad niyo? E kapitbahay o mga kababatang maituturing? Seryoso bang nakikipagtalo kayo sa matatanda dito? 

Alam niyo ba o naiintindihan ang punto ng mga kuya at ate niyo dito? Na ang ilang kasimplehan ng buhay at nahahaluan ng kabuktutan lalo na kung hinde niyo naiintindihan. Marami kasing bagay dito sa tumblr na kung masyado mong didibdibin at lalo mo lang ikalulubog imbes na ikasaya. Kung gusto mong tumagal at hinde masira ang iyong kamusmusan alamin ang ilang salitang dapat mong pakatandaan.

  • Sarcasm
  • Read-internalize-before you react
  • Don’t Feel too comfortable
  • Follow-Unfollow freely

Ang ilang isyu kasi sa tumblr napapadpad sa totoong buhay kaya ang ilan, napadaan na nga lang nawala pa sa sarili ang kinalabasan.Isa pa nga pala, ang pagiging rejected o hinde pagtanggap na pakiramdam mula dito dahil sa simpleng hinde pag follow back sa yo e huwag mo namang halukayin ang buong pagkatao mo dahil lang dun. 

Ay muntik ko makalimutan, kung may maririnig kang tsismis o kung ano man patungkol sa isang tao o grupo na kinabibilangan niya, aba, maghagilap ka muna ng ebidensya o magtanong tanong o di kaya mag back read ka para maintindihan mo ang sitwasyon.

PAALALA:

Hinde sa lahat ng oras ang tinuturing o inaakala mong mabait at laging mabait. Ang lahat ng tao ay maaring magbago ng pakiramdam sa bawat oras. At oo nga pal, ang pagiging FEELING CLOSE ay may tamang oras at sitwasyon. Kung alam mong hinde kayo close ng isang tao at mag popost ka ng bagay o larawan patungkol sa kanya, mabuting magpaalam o humingi ng pasintabi man lang. 

Kung ayaw mo ang mga nabasa mo magtungo lamang sa aking tumblr ask o kung trip mo magkalat ka din ng tsismis sakin at itag mo ko as okaykabachan