“I has a stroller” -baby Aeres

Napagtripan naming mamili last saturday. Kawawa naman kasi si baby wala pa siyang stroller kaya hinde namin siya basta basta naigagala kung saan. Kaya ayun, finally. Buti may budget friendly na strollers pang nag eexist. Kaloka naman kasi yung presyo nung ibang nakita namin, P35000 good luck naman pambibili na lang namin ng mga dress niya yun di ba haha. Slowly but surely, God is providing us the things we definitely need. In perfect timing bawat pagdating ng provision. Mas naniniwala na ko na nakahanda na ang lahat bago pa man dumating si baby sa buhay namin ng mommy niya. Our God is really a God of love, a love of provision and of promise. He never failed not even once all you should do is drop all fears and drop all doubts, start doing His ways and not your ways in achieving something.

On her 2nd month

Nakaktuwa, nakikita niya na kami. Nalaman namin nung biglang sumunod yung mata at buong ulo niya noong papalis ako sa paningin niya. Laking gulat namin nung pinilit niyang iexted yung leeg niya masundan lang ako ng tingin kung san man ako papunta. Nakakausap mo na rin siya ng nakatingin siya ng diretso sayo, yung natutuwa siya kasi alam niyang ikaw yung daddy niya.

 Ganito pala yun, yung sinasabi sa telebisyon at mga sulatin, nakakawala nga ng pagod ang anak mo lalo na kung malaprinsesang ngiti ang ibubungad sayo. I’m really looking forward sa mga buwan na kung saan mauuso ang FIRSTS for our princess :)

Ano kaya ang FIRST clear word niya :)

Miranda Aeres is LOVED :) <3

Guess who came :) the so called “1st tumblr baby” hurhur :)

Sheming with Wave 47
Wave 47 for BNYMellon, sila na ang pamilya ko for the past month. Ilang gabing pinaglalabanan ang mga antok, ilang gabing sumasabog na ang utak sa information overload sa mga pinagsasabi ng pinakamamahal naming trainer, at ilang gabing nakikipag inuman sa mga kasamahan na ang tinutunga ay cobra o kape na isang dangkal ata ang purong laman.
Well, kahit papano nakapag relax kami nung sheming namin sa cavite circle island, bandang molino ata yun. Masaya na isang buwan lang e bonggang bongga na ang samahan.

Sheming with Wave 47

Wave 47 for BNYMellon, sila na ang pamilya ko for the past month. Ilang gabing pinaglalabanan ang mga antok, ilang gabing sumasabog na ang utak sa information overload sa mga pinagsasabi ng pinakamamahal naming trainer, at ilang gabing nakikipag inuman sa mga kasamahan na ang tinutunga ay cobra o kape na isang dangkal ata ang purong laman.

Well, kahit papano nakapag relax kami nung sheming namin sa cavite circle island, bandang molino ata yun. Masaya na isang buwan lang e bonggang bongga na ang samahan.

Trip Trip Sa Seaside

Kahapon wala kaming magawa, sa halip na pumunta sa birthday ng lola ko sa Magallenes e sabi ng nanay ko mag gala na lang daw kami sa MOA kasi nga tinatamad din siya bumiyahe nakakapagod daw. Sinama namin lola ko(nanay ng nanay ko) si yel at pinsan kong si tala.

Bago kami pumunta MOA nakakatawa talaga lola ko, sabi ko sa kanya sa tabing dagat kami pupunta, ayun nung inabutan ko guess what may mga bitbit na panligo, akala niya sa dagat talaga ang punta namin, kasi naman sa Nasugbu yung huli naming gala. Nagkita kita na lang kami ng nanay ko sa MOA. 

Nag lakad lakad, tumingin tingin ng ilang gamit sa bahay then poof, bumili ng konting kutkuting pagkain, tapos biglang nag kaayaan sa KFC. Sa KFC pa naman pag lunch time e parang quiapo sa dami ng tao. Unahan sa matatapos na mesa yung tipong titingin kas a kumakain tapos iniisip mo via telepathy “di pa ba kayo tapos kami naman uy”tapos pag may dumating na makikisingit sa pwestong yun bigla mo silang tititigan sabay sabi via mind transfer of thoughts “kami nauna maghanap kayo ng iba”

Pagkatapos kumain, dumating yung asawa ng kuya ko kasama pamangkin ko at pati ate ko. Ayun galing sa bahay nila sa cavite nag gala din. Ice cream naman daw ang trip nila, tapos toy kingdom, tapos konting ikot sa department store, at huling destinasyon, MOA seaside, oo tabing dagat nga. 

Sa seaside naglaro lang ang mga bata tapos kami namang may edad na e lakad lakad at chillax lang muna. Nung pahapon na nag paluto na lang sa malapit na restaurant ng calamares, sinigang na maya maya tapos tahong. Grabe ang sakit ng tiyan ko, ang bibigat ba naman ng pagkain ni hinde na namin maubos e. 

Pero masaya ko sa araw na yun. Kasama ko pamilya ko, at syempre ang girlfriend ko na parte na rin ng pamilya namin. Love you te. Muah. 

Nung maghalungkat ako ng pictures ko sa bahay namin sa quezon city, itong picture ng tatay ko ang nakaagaw pansin sakin. Haha kasi may ganitong picture din ako parehong upo namin. Natawa ko bigla at napahalungkat ng mga lumang photo album ng di oras.

Naospital na, nakangiti pa
Ang ate ko nga naman pasaway. Nakuha pa naming mag picturan sa osptal e no. Yun yung nabantay ako sa kanya at absent sa OJt ng ilang araw. Pasaway kasi kain ng kain ng kung ano ano ayun natyphoid ng di oras. Tumataginging ting siguro na P60,000 ang naglaho kung wala siyang health card. Ayun kasama ko pa lola namin sa picture haha.

Naospital na, nakangiti pa

Ang ate ko nga naman pasaway. Nakuha pa naming mag picturan sa osptal e no. Yun yung nabantay ako sa kanya at absent sa OJt ng ilang araw. Pasaway kasi kain ng kain ng kung ano ano ayun natyphoid ng di oras. Tumataginging ting siguro na P60,000 ang naglaho kung wala siyang health card. Ayun kasama ko pa lola namin sa picture haha.

Amoy pritong isda O.O

Kaloka, buti natanggal na ang sampay ko kung hinde, sa halip na amoy sabon o downy passion e amoy prito ang labas ng mag damit at pantalon ko. Lola naman bakit bigla mo naisipan mag prito aber? May gulay pa ba? Parang kanina ang dami kong niluto ah, dalawa lang naman kayong naiwan, namigay na naman siguro sa kapitbahay ang magling kong lola. Ang ulam na dapat ay hanggang gabi e merienda lang ang inabot. Ayun luto na naman ng panibagong batch ng uulamin. 

Ang lola ko hinde ata marunong ng salitang pagtitipid o kaya kahit pagtuturo ng leksyon sa mga taong mahilig umabuso sa kabaitan niya haay.