For the boys: Kung gusto mo mag stay ang babae

Mag pundar ka sa pasensya at pag unawa. Lawakan mo ang pagtingin sa buhay lalo na sa ugaling meron sila. Di lahat ng oras, pero madalas moody sila, pero at the end of the day, makita mo lang silang tumawa di ba ayos na? Kaya kung may gusto kang babae, yung tipong sure na sure ka na, huwag kang tatanga tanga, malaking quiapo ang buhay pag ibig maaagawan ka.

For the boys: Kapag may kinaiinisan ang babae sa’yo tapos dinedeny mo

Madalas totoo yun. Yung tipong mga bagay na kinaiinisan ng mga babae na ginagawa daw nating mga lalaki pero unconsciously, yes nag eexist yun. Nasubukan ko kasi magbalik tanaw sa mga bagay bagay sa nagdaang linggo kasi nag away nga kami, and poof, totoo nga, di ko napapansin, pero pag magkasama kami mas madalas ako mag negative comment sa paligid kaysa maging masaya kasama siya. 

Kaya boys, kalma lang, try niyo rin obserbahan ang mga sarili niyo

For the girls and boys: Hinde porket ganun siya sayo

E ganun na rin ang trato niya sa iba. Kung nasaktan ka man niya ng sinadya o hinde naman pala huwag mo namang isipin na ganun na siya sa ibang tao. Yung tipong lahat na ng muhi mo binuhos mo sa kanya e masasayang nga talaga ang mga araw ng buhay mo. Try mo kasi maging positibo. Isipin mo na kung di kayo nagkahiwalay pano naman sisingit yung taong tunay na para sa’yo? 

For the boys: Alam mong may limit ka

Pero gawan mo din ng paraan na hinde mo na kailangan pang umabot dun. Pwede mo naman siya kausapin. Pride din yung paghihintay na mapuno ka sa mga bagay na kinaiinisan mo sa partner mo o karelasyon mo. Minsan hinde nararamdaman ng girls na pagod ka na kasi naman pag tinatanong nila tayo tiyak ang sagot nating mga lalake “hinde pa, ok lang ako”

For the boys: Make your girl your bestfriend

Kasi minsan kapag queen o prinsesa ang tinuring mo sa kanila nawawala yung sweetness na dapat kasama ng bawat ginagawa mo para sa kanya, nagmumukhang sapiltan o lumalabas na responsibilidad mong pasayahin at pagsilibihan siya. Bakit di ba pwedeng pasayahin siya kasi gusto mo lang makita yung ngiti niya?

For the boys: Kung nakipagbreak ang babae sa’yo at ito ang nasa isip mo

“Ok lang, makakahanap pa naman ako ng iba o may iba pa naman jan” Pumayag ka na lang sa break-up niyo. Sasaktan mo lang yung babae. Gawin daw bang collector’s item ang mga naging girlfriend.

For the boys: If you ask you girl too many questions

You are lacking one of the most important keys in a relationship, FAITH. Believing despite the doubts, believing despite all those questions in your mind. Your heart should already know the answer to most of your questions if you truly love the girl you are with. 

For the boys: Kalma lang sa pagiging sweet

Kasi minsan sa simula lang natin nagagawa ang sweetness na yan. Tapos in the end puro bitter end ang hinaharap ng partner natin. Dapat tama lang. Para yung expectations sa’yo hinde masyadong tumaas.

For the boys: Fix yourself

Kung hinde mo kakayaning buhatin ang sarili mo, don’t expect to be with a girl. Uso ang independent women ngayon pero hinde ibig sabihin e ayaw na ng mga babae sa lalaking kayang tumayo sa sarili nila at may paninindigan. Be man enough. 

For the Boys: Bago mag asawa matutong maglinis ng electric fan
Dahil kahit may air con kayo hinde naman lagi yun ang gagamitin niyo no. Saka huwag kang mag assume na pag nag asawa ka na e may katulong kayo na maasahan niyong maglinis para sa inyo. Subukan mo ring matuto para hinde ka mukhang tanga sa harap ng magiging asawa mo. 

For the Boys: Bago mag asawa matutong maglinis ng electric fan

Dahil kahit may air con kayo hinde naman lagi yun ang gagamitin niyo no. Saka huwag kang mag assume na pag nag asawa ka na e may katulong kayo na maasahan niyong maglinis para sa inyo. Subukan mo ring matuto para hinde ka mukhang tanga sa harap ng magiging asawa mo.