Guys Nedekwat phone ko
09161651961
New number ko. Pwede ring hinde kunin alam naman siguro nung mga friends ko kung sino lang pinapatungkulan ng mensaheng ito :) Thanks! Salamat sa prayers nga pala guys :) Text me para makapag ipon ipon uli ng numbers niyo guys :)
E yung Chief of Staff ng Pilipinas
Tatay ng Kaklase mo nung highschool? Haha nako yung kalaro ko lang dati sa table tennis nung high school e anak na ng Chief of Staff ngayon. Naloloka naman ako sa pamilya ng mga high school friends ko. Dalawa na pala sila bale, dati si Gen. Kintanar, ngayon si Lt. Gen Dellosa naman. Wow lang ang bigatin.
Haha ngayon pinuputakti facebook account niya ng congrats para sa dad niya. haha
Dear AMIGAkada,
Kilala niyo kung sino sino kayo. Nakakamiss ang pabiro at pahapyaw na kabaklaan natin sa dash o kahit sa totoong buhay. Npakabusy kasi ng karamihan at ang ilan naman ay tila tumakbo na palayo sa dating bisyo kung tawagin ay “tumblr” Alam mo yung malilito ang tao sa kung sino ang tunay at pekeng bakla, o yung masa madalas pa kong pagkamalan kasi ng pareho lang naman tayo ng mga kilos.
Amiga, este mga amiga, kamusta na ba kayo.? Anong bago? May nalalapit bang malakihang kita kita ang tropa? DECEMBER meet up for tumblrkada? wala ba? Wala? Wala?
Knikka and Yel(gf)
Nagpunta kami sa Savemore Nagtahan, Sta Mesa last Saturday, May 14 para makita yung demo make-up ni Ms. Bunny para sa Loreal. Nakakatuwa lang na makita yung binibidang instructor sakin ni yel and hinde siya nabigo, saludo, nilipad ang utak at natuliro ako sa ganda at kulit ni Miss Bunny.
On the other hand, si Knikka(left) e ayun asar talo pa rin sakin haha. E di siya na may kulay ang buhok haha :P Classmate siya ni yel sa flight attendant training niya dati sa WCC.
PS: Single yang si Knikka(left). Yung nasa kanan, nako over my dead(fat) body.
Christmas Party Kahapon
Pero badtrip ang land lady ng mga organizers. Alam mo yung nagsimula ang kasiyahan alas kwatro ng hapon tapos ng dumating siya inabutan niya kaming nakanta at alam niyo ba yung intro ng magaling na land lady?
land lady: nu ba yan, ayusin niyo naman yung kanta, baka gusto niyong matapos ng maaga, nagsisipag aral pa naman kayo tapos ganyan.
Muntik na kong makalimot na pinalaki akong may paggalang sa nakakatanda pero di sa pag aano ha, ano mang paniniwala niya o anomang sekta siya mapawalang pasko sa grupo niya bakit siya ganun? Mas nagmukhang siya yung walang pinagkatandaan e. Maayos yung pagkanta ng tropa ko tapos angal pa din, tapos nung Aray na yung tugtog at pina stop ko kasi luma, ang sabi ba naman bakit daw hinde tinuloy maganda raw yun, wow panahon mo te? Dagdag pa, anong kinalaman ng pag aaral namin sa pag kanta namin? Kaloka talent search ba to? Party po ito
Nakakasira lang ng party mood yung pangingialam niya sa program namin, pag interrupt sa mga nagsasalita at pagiging papansin sa tuwing may gagawin kami para sa mga sarili namin.
Masaya SANA yung party kaso may pasira lang talaga ng mood ng araw na yun.
Kamusta ka na,
Malapit ng magtapos ang taon kaya nais ko lang kamustahin ang sarili ko. May nabagao ba? ung may nagbago, para sa ikabubuti ko naman ba o pansariling kapakanan lang ang kinahantungan ng mga yun. Ang daming nangyari sa loob ng isang taon para lang ihayag sa loob ng isang araw. Maaring maganda, pangit o di kaya hinde kaaya aya pero aminin mo man o hinde malaki ang kinalaman nun kung ano ka ngayon.
Kamusta na ba ex mong si joy? Nakakamusta mo naman siya kahit papano pero hinde na katulad ng dati syempre. Aba minahal mo yun kaya bawal ang kung ano mang sama ng loob na itatanim at aabot pa sa isang taon. Marapat lang na batiin siya paminsan minsan kasi naging parte siya ng buhay mo sa loob ng siyam na buwan di ba.
E yung pag aaral mo kaya? May plano ka na bang pagusapan ang patungkol sa kung ano kahihinantnan ng mga nagawa mo sa loob ng ilang taon? O aasa ka muna sa kung ano ang meron at tuloy lang ang aral. Kasi sa tingin ng mga magulang ko isang taon na lang ako sa kolehiyo pero nung tiningnan ko ang mga subject na kukunin ko aabutin pa ko ng dalawa. Pinagdarasal ko nga kung ano gagawin ko kasi nahihiya na ko sa nanay at ate ko kung hinde pa ko nakakatapos. Alam mo yung ayokong maging pabigat o magbigay ng dagdag na isipin sa kanila.
Teka, e yung relasyon mo sa mga kaibigan mo? Yung mga nakilala mo dito? Ayun, miss mo na sila pero di mo pa rin sila nakikita ng ilang linggo na? O hinde ka makasama sa gala kasi iwas ka sa inom at kung ano mang gastos ngayon? Bawi ka na lang siguro, may susunod pa naman di ba. Aakalain mo bang tatagal ng isang taon at nandiyan pa din kayo, naguusap, nagpapansinan at naging magkakaibigan?
Kayo ni aerielle kamusta? Ewan ko, ang gulo ko kasing lalaki e, pikon, madalas na pansinin ang kung ano man ang nagagawa niya. Haay, paalala ko ng paalala sa sarili ko pero madalas pa din uminit ang ulo ko at di ko namamalayan e nararamdaman niya na parang lagi na lang siya ang mali. Hihingi na lang ako ng tawad at susubukan ko sa abot ng aking makakaya na maging mahinahon pa ng higit sa dati kong ginagawa. Sana.
Ano pa ba pwedeng makamusta? Ayun, seryoso ka na ba sa Kanya? Kanino? Sa Kanya, dun sa nagligtas sayo, dun sa namatay sa pagpapapako sa krus at pumunta pa dito sa lupa para lang iligtas ang tulad mo. Ah, Siya ba, ayun nga rin ang pinagninilaynilayan ko ngayon. Nakahanap na ko ng grupo ko at nandiyan ang ka one-to-one kong si Phil para umalalay at uamagapay sakin. Grabe lang, ang saya na marami kang nakikitang nabagong buhay sa paligid mo dahil nagtiwala sila sa Kanya. Sana mag bigay na ko ng buo kong tiwala at pagpapakilos ng buhay ko sa Kanya.
Yan muna siguro no? ano may itatanong ka ba?
Paalam muna,
Christian Latican
On my way home
Nakasabay ko ang isang kaklase noong high school. nakakatuwa na nagkita kami sa taft malapit sa vito cruz. Sabi ko pamilyar ang mukha, di ako nagkamali si Josea nga. Isa sa mga kaklase ko noon. Kakatwa, may trabaho na daw siya sa makati at naalala kong malapit lang ang bahay niya samin(ang malapit sakin e around 1km-2km away). Naisipan ko tuloy maglakad na lang pauwi at nagkataon na ganun din balak niya. It was fun. kwentuhan ng konti and tawanan at updates sa buhay buhay.
Buhay Makati science na magulo.masaya. at punong puno ng bonggang alaala. Malaking parte ng buhay ko ang maksci. :)
Apat na Siyudad, Isang(1) Araw
Sa umpisa ng araw ko alam kong mapapagod ako ng bongga dahil nakikinita ko na ang mga mangyayari. Di nga ko nagkamali dahil ito ang paglalahad ng ilang parte ng araw na ito ika-dalawampu ng nobyembre.
Maynila-Valenzuela
Namatay ang kapatid ng asawa ng pinsan ko kamakailan. Sa isip isip ko, ako na lang maghahatid sa lola ko dun sa lamay para naman maaga siya dun. Ang mga tiyuhin ko kasi ay pupunta sa burol na iyon kinagabihan pa at uuwi rin naman. Mula bahay, isang bus patungong lrt-quirino at patungong Monumento ang byaheng aming tinahak. Mula dun ay sumakay pa kami ng pa malinta para makarating sa paroroonan.
Valenzuela-Pasay(MOA)
May meet up kanina sa SM Mall of Asia kung saan balitang balita ang pagpunta ng ilang kakilala ko na matagal ko ng hinde nasisilayan. Mula Monumento bumiyahe ako patungong EDSA at nakipagkita sa aking kasintahan. Iniwan ko na sa lamay ang aking lola dahil makikipaglibing pa siya kinabukasan kasama ng aking ina na sumunod na lang dun pagkagaling sa trabaho.
Sa MOA, ang daming pamilyar na mukha ang aking naaninag. Kakatwang isipin na medyo matagal ko pala silang hinde nakita o nakausap man lang. Ang saya na kahit papano ay wala yung hangin ng pagkailang sa karamihan. Ang daming mukhang muling luminaw sa aking kamalayan. Kung baga, “na update” na ang mga itsura nila.
Pasay-Makati
Pagkagaling sa meet up ay napagusapan na namin ni Yel(gf) na dumaan sa mga kaibigan niyang may kaunting pagsasalo salo sa makati. Pumayag naman ako kasi alam kong matagal na rin niyang di nakikita ang mga yun. Sa pagkadismaya, bukod sa mabagal na daloy ng trapiko patungo dun, ang inabutan namin, INUMAN na aking iniiwasan at tila wala kasi kami pareho sa tamang pagkakataon para uminom. Kaya umalis na lang kami agad.
Makati-Pasay-Maynila
Hinatid ko si yel(gf) hanggang sa kanila sa evangelista parteng pasay-makati at saglit lang ay umuwi na rin ako dahil ramdam ko na ang pagod sa aking katawan. Pero ano, ito ako nagsusulat ng kung ano man sa harap ng kompyuter at tila wala pang balak magpahinga.
I checked Facebook
And poof, maraming tao na dito ko nakilala sa tumblr ang online and when I went back to tumblr, they are not posting any stuff. Pwedeng busy, sawa na, o nasa ibang site na :) kaunti na lang ang natitirang nagtitiyaga wahaha.
Biro lang. I love you tumblr :)
Human Directory
Yep, dahil marami akong kaibigang babae, napapagkakamalan akong human directory ng ilan kong tropa. Please stopasking numbers of chicks or ladies from me. Di naman ako directory para sakin niyo hingin mga number nila. Sabi ko nga, add niyo sila sa fb, kausapin niyo, pero huwag niyo kong gawing sangkalan/tulay.
Both of you are my friends in different circumstances. So in short, common friend lang ang labas ko. Buti kung nag set ng group date or something. Kung sino pang may itsura sa paningin nila yun ang puro porma.
