For the boys: Ang babae walang pakialam kung maganda yung iba
Kung napaparamdam mo naman na mas maganda sila sa kanila. Simple lang ang gusto ng babaeng mahal mo, yung paramdam mong mas maganda, mas importante at hinde mo siya basta basta ipagpapalit sa iba.
For the boys: Kung gusto mo mag stay ang babae
Mag pundar ka sa pasensya at pag unawa. Lawakan mo ang pagtingin sa buhay lalo na sa ugaling meron sila. Di lahat ng oras, pero madalas moody sila, pero at the end of the day, makita mo lang silang tumawa di ba ayos na? Kaya kung may gusto kang babae, yung tipong sure na sure ka na, huwag kang tatanga tanga, malaking quiapo ang buhay pag ibig maaagawan ka.
For the boys: Kapag may kinaiinisan ang babae sa’yo tapos dinedeny mo
Madalas totoo yun. Yung tipong mga bagay na kinaiinisan ng mga babae na ginagawa daw nating mga lalaki pero unconsciously, yes nag eexist yun. Nasubukan ko kasi magbalik tanaw sa mga bagay bagay sa nagdaang linggo kasi nag away nga kami, and poof, totoo nga, di ko napapansin, pero pag magkasama kami mas madalas ako mag negative comment sa paligid kaysa maging masaya kasama siya.
Kaya boys, kalma lang, try niyo rin obserbahan ang mga sarili niyo
For the girls and boys: Hinde porket ganun siya sayo
E ganun na rin ang trato niya sa iba. Kung nasaktan ka man niya ng sinadya o hinde naman pala huwag mo namang isipin na ganun na siya sa ibang tao. Yung tipong lahat na ng muhi mo binuhos mo sa kanya e masasayang nga talaga ang mga araw ng buhay mo. Try mo kasi maging positibo. Isipin mo na kung di kayo nagkahiwalay pano naman sisingit yung taong tunay na para sa’yo?
For the girls: Kung mahal mo si lalaki huwag mong hawakan sa kamay yakapin mo
Ewan ko lang kung maisipan ka pa niyang bitawan. Para kahit naiisip niyang bumitaw, alam mo sa sarili mo na hinde lang sa kamay ang pinanghahawakan mo, nandun din yung buong pagkatao mong pinagkatiwala ang relasyon niyo ano man ang kahuntangan nito.
For the boys: Make your girl your bestfriend
Kasi minsan kapag queen o prinsesa ang tinuring mo sa kanila nawawala yung sweetness na dapat kasama ng bawat ginagawa mo para sa kanya, nagmumukhang sapiltan o lumalabas na responsibilidad mong pasayahin at pagsilibihan siya. Bakit di ba pwedeng pasayahin siya kasi gusto mo lang makita yung ngiti niya?
For the boys: Kung nakipagbreak ang babae sa’yo at ito ang nasa isip mo
“Ok lang, makakahanap pa naman ako ng iba o may iba pa naman jan” Pumayag ka na lang sa break-up niyo. Sasaktan mo lang yung babae. Gawin daw bang collector’s item ang mga naging girlfriend.
For the boys: Kalma lang sa pagiging sweet
Kasi minsan sa simula lang natin nagagawa ang sweetness na yan. Tapos in the end puro bitter end ang hinaharap ng partner natin. Dapat tama lang. Para yung expectations sa’yo hinde masyadong tumaas.
For the Boys: Bago mag asawa matutong maglinis ng electric fan
Dahil kahit may air con kayo hinde naman lagi yun ang gagamitin niyo no. Saka huwag kang mag assume na pag nag asawa ka na e may katulong kayo na maasahan niyong maglinis para sa inyo. Subukan mo ring matuto para hinde ka mukhang tanga sa harap ng magiging asawa mo.
For the boys: Be honest but don’t be too frank
May tamang oras o timing ang pagsasabi ng isang bagay na alam mong pwedeng ikasama ng loob ng isang babae. Ang pagiging sobrang pranka ng isang lalaki ang madalas na kinasasama ng loob ng mga babae. Kasi nasa paraan ng pagkakasabi ang dating nito sa babae. Kapag masyadong prangka ang lalaki naiisip ng babae na para namang lagi na lang may mali sa ginagawa nila.
