A problem in your life will make you realize at least one blessing that you have, and the most common realization would be, there is someone there to support me, a family member, a loved one, a friend, or that special someone. — Chan thoughts
Hinde lang naman salitang SAYANG ang uso tuwing nandiyan ang hiwalayan, bentang benta rin naman ang BUTI NAMAN — Kaisipan ni Chan
Kung sawa ka na sa mga pangako, subukan mo naman yung maniwala sa taong mahal mo hinde dun sa mga nabitiwang salita niya sayo — Kaisipan ni Chan
Ang hagdan sa pag asenso hinahakbangan bawat baitang, mahirap kasi bumaba ng hagdang lalo na kung ang tinahak mo paakyat e pahapyaw hapyaw, yung tipong kada isang hakbang mo apat na baitang ang nilalampasan. — Kaisipan ni Chan
Kung mahal mo ang isang tao, pwede ka mapagod pero hinde kasama dun ang pagsasawa. — Kaisipan ni Chan
Sana nakatahi ang kamay natin, para pag may bumitaw, pareho tayong masasakatan, hinde yung ako lang. — Papa Jack
Lahat na halos ng bagay na kailangan ng tao nasa internet na, may isang kulang nga lang. Walang nabibili o mapupulot na KASIPAGAN para maghanap ng mga kailangan. — Kaisipan ni Chan
Ang kaibigan parang lobo lang yan, may iba na magaan lang at konting ihip mo lang lalayo na yan at di mo na makikita. Pero ang tunay na kaibigan parang hot air balloon yan, hinde basta aalis sa buhay mo yan, kapag umalis naman, kita mo parin di ba, madalas bumababa pa rin sa lupa. — Kaisipan ni Chan
Ang pagmamahal at pag ibig parang baterya ng cellphone yan, may mga bateryang mabilis malowbat kaya dapat madalas ding icharge, may mga baterya naman na pangmatagalan kaso ang recharge niyan pag naubusan matagal din. Tiyaga lang, depende sa bateryang mapapdaan at mananatili sa buhay natin. — Kaisipan ni Chan
Ang hirap sumabat sa usapang nakakarelate ka nga, pero damang dama mo namang ayaw ka nilang kausap. — Kaisipan ni Chan