Kahit anong sulat mo….

Kahit anong payo ang ibigay mo, hinde maiiwasan ang masaktan kapag nagmahal ka. Sabi nga ni Amigang Leo a.k.a angboyfriendmo, huwag ka ng magmahal kung di ka handang masaktan. Maraming tao ngayon ang sanay na ipangalandakan na mahal na mahal nila ang isang tao, yung tipong isang buwan pa lang sila nagkapangakuan na ng habang buhay na pagmamahalan.

Wala namang masama sa ganun. Kaso, ang nangyayari, maghiwalay kayo bigla, yung isa bitter, pero yung isa mabilis maka move on. Sobrang kapit kasi at sobrang pageexpect na sa unang pagkakakilala pa lang, natuwa ka lang sa nauna mong naramdaman inisip mo ng mahal mo na, hinde ba pwedeng nagustuhan mo muna yung ugali niya, may naalala kang kakilala o pwede ring nakahanap ka ng bagong ate o kuya sa kanya. 

Uso ngayon ang “SYOTA”. Ang short time para sa pagkakaroon ng boyfriend at girlfriend sa makabagong panahon. Magkakabarkadang nagpapasahan ng mga nagiging jowa na ok lang sa isa’t isa yung ginagawa nila. Yung wala palang emotional at spiritual attachment yung mga nangyari sa kanila. Kakatwa lang na may routine na yung madalas iwanan ng mahal daw nila, papasok sa bagong relasyon kahit wala pa ngang closure yung isa, tapos sasabihin bigla “mahal ko pa ata siya” nakaka**** di ba. 

Kaya ang benta ni papa jack at ng mga taga payo sa radyo at tv e. Nagpapayo sila sa mga tao na kahit obvious na yung sagot sa tanong nila, paulit ulit lang nilang binabaon sa kokote at sa puso nila, para lang tuluyan nilang matanggap na hinde na sila, at hinde pwede yung “pwede pa ba?”

For the boys: Ang babae walang pakialam kung maganda yung iba

Kung napaparamdam mo naman na mas maganda sila sa kanila. Simple lang ang gusto ng babaeng mahal mo, yung paramdam mong mas maganda, mas importante at hinde mo siya basta basta ipagpapalit sa iba. 

Piso kada Pilipino

Kung kada sakuna, lahat ng pinoy magbigay ng kahit piso, ang laking pondo di ba? Sa loob ng ilang taon, laging sinasabing problema ang populasyon. E teka, may nakaisip na ba na manghingi ng Piso kada pinoy? Ilan na ba tayo ngayon? Tinatayang 90milyong Pilipino na tayo at kahit siguro kalahati niyan e magbigay ng tig pipiso, tumataginting na 45 milyon piso. 

Ang lupet di ba? Wala pa diyan yung mga may kaya at may bukal na kalooban na kayang mag abot ng pagpalagay mo ng 20-100 piso isa at ang ilan pa na kayang mag donate ng 1000. Grabe no? Kung di lang siguro uso ang crab mentality, samahan mo ng pampabuwenas na mga kurakot at mapagsamantala, tiyak, ang 90 Milyong katao ay hinde lumalabas na problema

Yung gusto ng lahat ma in-love

Pero ayaw naman masaktan. Pwede ba yun? Kaakibat ng true love ang masaktan kahit papano. Pano mo malalamang in love ka sa isang tao kung di mo nararamdaman ang takot na mawala siya o may mangyaring di inaasahan? Parte ng pagmamahalan ang masaktan kahit hinde sinasadya.

SYOTA si “Short-Time” jowa

Bakit maikli lang ang kadalasang tagal ng makabagong relasyon? Aba malay ko. Pero ang isang bagay na maaaring hambingan kung bakit ganito ang nangyayari ay ang mabilis na pag usad ng teknolohiya. Kung mapapansin mo, noong araw matiyaga ang mga magkakasintahan sa paghihintay ng sulat na hinde man lang nila alam kung kailan ang saktong oras ng dating, ang ilan nga sa kapalati pa umaasa para sa sulat, e ngayon? Text? Facebook? At kung ano ano pa, isang minuto lang di nakareply, magagalit na, mag iba lang ng status si jowa ng hinde mo alam, away na.

Nakakatawa lang kasi bakit yung mga naunang henerasyon kinaya ang sulatan o kahit isang taong pagitan ng pag uusap at ngayon ay masaya pa din. Sana maibalik kahit dun lang sa simpleng pagtatiyaga ang pagpapakita ng tiwala at tatag ng isang relasyon. Sa bilis ng text, sumasabay na rin ang bilis ng oras na meron ang isang relasyon. Tipong ginagawa pang “world record” ang pinakamabilis na divorce? Kaloka di ba?

Guilty or Pressured

Nabigla ako kanina sa mga salitang lumabas sa bibig ng aking tiyahin.

Tita: Nagpakamatay daw si angelo.

Ako: Sinong angelo?(wala naman kaming kamag anak na angelo)

Tita: Si Angelo Reyes

Ako: Ah yung dating secretary

Di ko tuloy alam kung pressured o sadyang guilty si former secretary sa mga pina file na kaso laban sa kanila, una kung wala kang kasalanan madali lang naman na malusutan yung mga interrogation sa senado. For me, sakin lang to ha, kung nagpakamatay man siya, bakit sa harap ng puntod ng nanay niya? If he insisted that he will not do anything that will stain their family’s name, ano yung ginawa niya? Literal at matagalang mantiya ang pagpapakamatay. 

It’s a crime and a breaking of one of the ten commandments, DO NOT MURDER, you killed yourself. I’m praying for former secretary Reyes’ family. For them to have strength, and for people’s judgement right after such incident. Mahirap talaga mapulitika sa Pilipinas. Mahirap malaman kung sino ang nasa tama at nasa maling landas lalo na kung sa mata ng karamihan masama ka, at ang pilit mong sinisigaw ay wala ka namang ginawa.

 Isang malaking kawalan hinde lang sa kaso pero pati sa pamilya niya ang isang ama para sa pamilya niya. Lalo ngayon na mas mag iisip ang tao kung may sala ba ang mga natitirang binabatikos na mga dating Heneral.

For the girls: You don’t find handsome, buff, cute etc men too overrated to be your dream guy?

Di ba? Kung mas gwapo, cute o buff ang lalaking hinahanap mo as a dream guy mas mataas ang tiyansa na ang kompetisyon para sa isang “rare” na item e mataas. O di kaya naman kung babase mo sa trend o nauusong paniniwala, lalaki din ang hanap niya at nagkataon kasing gwapo /cute/buff niya din. 

taxi-jeep

isang eksena o masasabing masyado ng gasgas na eksena pero maraming pilipinong pasahero ng mga jeep ang paulit ulit na ginagawa

pasahero: manong para po

driver: teka long ho itatabi

pasahero: lagpas na ho ako manong

driver: gusto niyo po bang bumababa sa gitna o inaakala niyong taxi tong jeep para iparada kung san mo gusto?

May ilang ugali kasi ang ilang pinoy na laging umaastang tama sa lahat ng oras. Hinde ko pa ginagawa ang ganitong bagay.

haha seryoso ko sa SM MARIKINA mini meet ups haha kasi yun ang pinakamalapit sa OJT ko yung tipong pagkauwi ko galing OJT maaring sumaglit doon haha :))

o well kaso sino naman mga tag dun da ba haha

Nagbago ka ba o Nakilala ka lang nila ng husto? 101

ikaw pa rin ba ang dating nagsimula sa nagdadalawang isip na baguhan ng tumblr? yung nahihiyang magfollow kasi di mo alam gagawin mo? e yung may nakikita kang di pamilyar tapos di mo alam kanino magtatanong? e yung taong di alam pano iactivate yung ask?
pasintabi lang sa matatagal na sa tumblr(kasi nung november lang naman ako nagsimula) kaya baguhan pa din ako.. pero sa tingin ko namann ang nagbago lang sakin e natuto kong mag reblog ng maayos at mag post ng kahit papano matino?..

ILANG PAGBABAGONG MAARING NAGANAP

  • DI KA NA NAMAMANSIN este DAMI MO NG NAPAPANSIN
noong una..yung tipong isa pa lang ang follower mo(siya si tumblr staff) abot langit ang panalangin mo na kahit isang follower lang ok na..ngayong andami na..isang unfollower lang aba bongga sa react wahaha (yan ako nung mga unang buwan)
  • PAUSO KA NA
dati ang post mo ay bulaklak sa pader..ngayon aba.reblog to the max ang followers mo..haba ng hair mo teh..o kaya noong uso pa ang primetime one-liners e isang post mo..sunod to the max ang dash (aminin masaya ka nung nangyri yan kahit once)
  • NAG EEXPECT KA NA NG LIKE
umamin ka na..haha nung dumami followers mo nag eexpect ka na ng lilitaw na <insert name here> liked your post..malamang ano pa silbi ng pag follow nila kung ni isa sa kanila di man lang natripan post mo di ba? haller..
  • CHOOSY KA NA
aba malamang..namimila ka na rin ng ifafollow..meaning nag grow ka na..dati 500 pinafollow mo naging 250 na lang..bakit? malamang.nakita mo na ang kapangyarihan ng primetime-all-the-time.. ano ito? yung kahit di namn oras ng primetime e sumasabog ang dash mo.
  • SO NAIMBENTO NA ANG TUMBLR FAMOUS
dati yan ang tingin mo sa mga tinitingala mo..ngayon pakiramdam mo ganun ka na rin..yung tipong kalebel ko na sila buwahahaha..so ano? papansin ka na? gnun? tsktsk..
malaki ang pinagkaiba ng tumblr famous at tumblr idol (quoted from BECS) o well which is trulalu at walang halong eklavu
  • MALAKAS ANG LOOB MANG AWAY(kasi nag eexpect ng kakampi from Followers)
haha grow up kiddo kapag may post at tinamaan ka..nako wag kang epal..walang pangalan yun..unless nakikita mong imaginary written ang tumblr id mo

PAALALA: ang bawat salita at mga naipaskil sa bawat ideya ay pawang imahinasyon ko lamang este sariling opinyon lamang..ang tamaan..

BANG! BANG! BANG!