Welcome to the Christian world Nathaly :) Yie ang cute cute ng pamangkin ko
Trip Trip Sa Seaside Kahapon wala kaming magawa, sa halip na pumunta sa birthday ng lola ko sa Magallenes e sabi ng nanay ko mag gala na lang daw kami sa MOA kasi nga tinatamad din siya bumiyahe nakakapagod daw. Sinama namin lola ko(nanay ng nanay ko) si yel at pinsan kong si tala. Bago kami pumunta MOA nakakatawa talaga lola ko, sabi ko sa kanya sa tabing dagat kami pupunta, ayun nung inabutan ko guess what may mga bitbit na panligo, akala niya sa dagat talaga ang punta namin, kasi naman sa Nasugbu yung huli naming gala. Nagkita kita na lang kami ng nanay ko sa MOA. Nag lakad lakad, tumingin tingin ng ilang gamit sa bahay then poof, bumili ng konting kutkuting pagkain, tapos biglang nag kaayaan sa KFC. Sa KFC pa naman pag lunch time e parang quiapo sa dami ng tao. Unahan sa matatapos na mesa yung tipong titingin kas a kumakain tapos iniisip mo via telepathy “di pa ba kayo tapos kami naman uy”tapos pag may dumating na makikisingit sa pwestong yun bigla mo silang tititigan sabay sabi via mind transfer of thoughts “kami nauna maghanap kayo ng iba” Pagkatapos kumain, dumating yung asawa ng kuya ko kasama pamangkin ko at pati ate ko. Ayun galing sa bahay nila sa cavite nag gala din. Ice cream naman daw ang trip nila, tapos toy kingdom, tapos konting ikot sa department store, at huling destinasyon, MOA seaside, oo tabing dagat nga. Sa seaside naglaro lang ang mga bata tapos kami namang may edad na e lakad lakad at chillax lang muna. Nung pahapon na nag paluto na lang sa malapit na restaurant ng calamares, sinigang na maya maya tapos tahong. Grabe ang sakit ng tiyan ko, ang bibigat ba naman ng pagkain ni hinde na namin maubos e. Pero masaya ko sa araw na yun. Kasama ko pamilya ko, at syempre ang girlfriend ko na parte na rin ng pamilya namin. Love you te. Muah.