The P 99.00 Trend
Kung mapapansin mo, este kung mapapansin ng mahihilig mamili ng kung ano ano, trending yung advertising pricing strategies ngayon. Advertising strategies in a sense kasi nakakapukaw atensyon ang mga presyong hinde aabot ng isang daan kaya ang daing sayo e nakakatipid ka kahit piso lang naman talaga ang tunay na sukli mo.
Unahin na natin yung sa mang inasal, P99 tapos unli rice, grabe no, tanda ko pa noon na kung ganitong presyuhan lang e wala kang makukuhang ganyang benefits noon. Nakaktulong nga naman na ang trend sa merkado ay pumapabor sa mga kapos o dun lang sa middle class. Maraming nabibili ngayon na gamit na hinde na ganun kamahal o di kaya nabibili mo na kasi mas flexible na ang options mo. Well buti na rin yun para kahit papano hinde napapansin ng mga konsyumer na iisang o iilan lang din ang may ari ng naglalakihang sangay ng fast food at mall.
Trends sa Food, Mall at Galaan:
1. Mang inasal
2. Savemore
3. Puregold
At kung ano ano pang biglang nag sulputan na parang kabute sa dami. Kakaiba no? Para nga naman daw bawat siyudad e may Savemore at Puregold, tapos bawat kanto may unlimited rice ka :P
Binigay mo na lang sana sa iba
Tuwing gumagala o napapadpad ako sa kung saan man ako dalin ng aking mga malilikot na paa, unang pumapasok sa isip ko ang mga bagay na nakakalimutan kong hinde naman karapat dapat na nasakin o kung nasakin man ay parang mali na yun ang presyo ng pagkakabili ko sa mga ito.
Halimbawa na lang, kung bumili ako ng pantalon na worth P 1000 at ikukumpara ko to nung gumala kami sa tagaytay. Ang isang libo ko ay makakarating na ng tagaytay na ako lang mula baclaran ang pamasahe at P 60- P 80 so mga P 200 balikan. Sa picnic grove at may P50 na entrance at kung may dala kong banig o panlatag wala na kong ibang gastos. Meron pa kong P750, pwede kong mag zip line worth P300 two way at natuwa na ko ng bonggang bongga para makita ko ang bangin na posible kong kahulugan. May tira pang P450, kakain na rin ako ng worth P200 at ilang souvenir na rin ang mabibili ko.
Hanep, ang laki pala ng pakinabang sa isang libo kung alam mo lang kung saan pwedeng gumastos ng sakto. Haha. Pero yung sa pantalon nga pala e kung marami ka ng pantalon dun lang nasasayang yun hehe.
Wala akong load
Ayos lang wala rin naman siyang load kaya patas lang. Alam mo naman krisis na tubig krisis pa sa moolah. Ang gastos ko ngayong linggong ito bakit? Hinde ko natrack ang pinagkagastusan ko :| Di ko mawari kung san napadpad ang pera ko este pera na bigay ng nanay ko.
Pero di ako makapaniwala may natitirang pera sa atm ko di tulad ng dati, naging matipid pa ko ng lagay na yun? Kalokohan lang po yun kaibigan :| Pero bakit pakiramdam ko nagtitipid ako? :|