E yung hinde ka pa graduate

Ayos lang ang pakiramdam ko last april. Kasi work, bahay, work lang ang routine ko. Ngayon May na, kinakabahan na naman ako sa puntong, “makaka graduate pa kaya ako?” Naguguluhan na rin kasi ko sa kumplikasyong nangyari sa pag aaral ko. Nag shift dahil hinde pumasa sa qualifying exam, naipit sa isang pagbabago sa academic system, kulang kulang na grades, at naiipong duda sa sarili. 

O well think positive huwag kang aayaw. Kailangang grumaduate this school year kahit malate ang ilang grades kailangan matapos na lahat ng subjects ko. O please Lord clear all my scheds. Please give me this year. :( 

I’ll pit my faith in You as always, You never failed me, a I know you never will. 

STAY CALM AND PRAY.

I trully believe that REAL MEN PRAY and BELIEVE

“I has a stroller” -baby Aeres

Napagtripan naming mamili last saturday. Kawawa naman kasi si baby wala pa siyang stroller kaya hinde namin siya basta basta naigagala kung saan. Kaya ayun, finally. Buti may budget friendly na strollers pang nag eexist. Kaloka naman kasi yung presyo nung ibang nakita namin, P35000 good luck naman pambibili na lang namin ng mga dress niya yun di ba haha. Slowly but surely, God is providing us the things we definitely need. In perfect timing bawat pagdating ng provision. Mas naniniwala na ko na nakahanda na ang lahat bago pa man dumating si baby sa buhay namin ng mommy niya. Our God is really a God of love, a love of provision and of promise. He never failed not even once all you should do is drop all fears and drop all doubts, start doing His ways and not your ways in achieving something.

On her 2nd month

Nakaktuwa, nakikita niya na kami. Nalaman namin nung biglang sumunod yung mata at buong ulo niya noong papalis ako sa paningin niya. Laking gulat namin nung pinilit niyang iexted yung leeg niya masundan lang ako ng tingin kung san man ako papunta. Nakakausap mo na rin siya ng nakatingin siya ng diretso sayo, yung natutuwa siya kasi alam niyang ikaw yung daddy niya.

 Ganito pala yun, yung sinasabi sa telebisyon at mga sulatin, nakakawala nga ng pagod ang anak mo lalo na kung malaprinsesang ngiti ang ibubungad sayo. I’m really looking forward sa mga buwan na kung saan mauuso ang FIRSTS for our princess :)

Ano kaya ang FIRST clear word niya :)

I miss you guys

Busy dad, busy, busy…. Joke, just a little bit tired and using spare time to rest and sleep. Kakatuwa, ngayon umiikot sa pamilya ang buhay ko. Ganun talaga binabantayan pa kasing mabuti ang bagong babae sa buhay ko, my little princess :) Well masaya naman, baka May pa makapagpabinyag.

Nakakamiss man ang buhay binata, well masaya namang dumating yung blessing na galing sa Kanya. Thank you Lord fro all the provisions. Thank you for bringing Aeres into our lives. Aja, kaya to we will groom her into the person You want her to be. 

Para sa Aking Munting Prinsesa
Its been a month. Wow, isang buwan na pala yung batang inalagaan namin sa sinapupunan ni aerielle. Yung batang ang likot likot nasa tiyan pa lang ng mommy niya. Yung prinsesa naming dalawa. Sino nga naman kasi mag aakalang ganun lang kabilis lumipas ang isang buwan, gayo’ng naghintay kami ng 9 na buwan makita lang ang kalalabasan niya bilang sanggol.
Sa loob ng isang buwan kakatuwang puyatan, kulitan at kakaibang mga pakiramdam lalo na tuwing karga karga ko siya sa aking mga bisig, naisip ko, sa isang buwang ito, sobrang saya na ang naidulot ng anak ko, ano pa yung mga dadaang taon sa buhay namin na kasama namin ang nag iisa naming prinsesa. 
Nakakawala pala talaga ng pagod yung ngiti ng bata, yung bawat titig niya sayong alam mo namang aninag lang ang kaya niyang makita. Kakatwa na sa bawat salitang aking binibitawan ay sumusunod ang mapupungay niyang mata. Pano ba malalaman kung nakikita ka na niyang talaga? Nakakaloko naman kasi minsan, yung titig niya sumusunod sa bawat galaw ng aking mukha. 
Tunay ngang biyaya ang bawat buhay na bigay ng May Kapal. Salamat Diyos ko sa pagtitiwalang pinagkaloob mo sa amin, aalagaan namin siya at palalakihing may takot at may pagkilala sa tunay na May Lalang at higit na nakakaalam ng tunay na kahulugan ng salitang BUHAY dito sa mundong ibabaw.
Ako po si Christian Latican y Estabillo, isang ama, isang nanampalataya, isang nais tumula.

Para sa Aking Munting Prinsesa

Its been a month. Wow, isang buwan na pala yung batang inalagaan namin sa sinapupunan ni aerielle. Yung batang ang likot likot nasa tiyan pa lang ng mommy niya. Yung prinsesa naming dalawa. Sino nga naman kasi mag aakalang ganun lang kabilis lumipas ang isang buwan, gayo’ng naghintay kami ng 9 na buwan makita lang ang kalalabasan niya bilang sanggol.

Sa loob ng isang buwan kakatuwang puyatan, kulitan at kakaibang mga pakiramdam lalo na tuwing karga karga ko siya sa aking mga bisig, naisip ko, sa isang buwang ito, sobrang saya na ang naidulot ng anak ko, ano pa yung mga dadaang taon sa buhay namin na kasama namin ang nag iisa naming prinsesa. 

Nakakawala pala talaga ng pagod yung ngiti ng bata, yung bawat titig niya sayong alam mo namang aninag lang ang kaya niyang makita. Kakatwa na sa bawat salitang aking binibitawan ay sumusunod ang mapupungay niyang mata. Pano ba malalaman kung nakikita ka na niyang talaga? Nakakaloko naman kasi minsan, yung titig niya sumusunod sa bawat galaw ng aking mukha. 

Tunay ngang biyaya ang bawat buhay na bigay ng May Kapal. Salamat Diyos ko sa pagtitiwalang pinagkaloob mo sa amin, aalagaan namin siya at palalakihing may takot at may pagkilala sa tunay na May Lalang at higit na nakakaalam ng tunay na kahulugan ng salitang BUHAY dito sa mundong ibabaw.

Ako po si Christian Latican y Estabillo, isang ama, isang nanampalataya, isang nais tumula.

Miranda Aeres is LOVED :) <3

How She Ended Up That Way

Mapalad na maituturing ang bagong henerasyon. Hinde lang dahil sa simpleng modernisasyon isabay mo na rin ang karagdagang paraan para maibahagi ng kanilang mga magulang kung ano ang nangyari at pano sila nagsimula.

Pano ko kaya maikekwento sa baby ko na naisipan naming ipalaglag siya nung una naming malaman na dumating na siya sa buhay namin? Yung tipong nawindang ang mundo naming dalawa ni Aerielle nung biglang nag positive sa tatlong pregnancy test, yung hinde siya dinatnan ng period for two months at yung fact na naconfirm na buntis nga siya kay Miranda Aeres. 

Tandang tanda ko yung pakiramdam noong mga oras na yun, yung tipong limitado ang bawat salitang lumalabas sa mga labi namin. Puro pasaring, panay ang iling, puno ng buntong hininga ang paligid, ang tanong nga lang namin sa isa’t isa, “ Anong plano?” o kaya susundan ng “Pano na to, anong gagawin natin.” Noong mga oras na iyon, pakiramdam ko isa ko sa pinakawalang kwentang lalaki sa mundo. Alam ko yun kasi hinde ko mapanindigan yung ginawa ko, yung bagay na pareho naman naming ginusto, hinde nga lang namin inaasahang ganito kaaga.

Ilang buwang katahimikan, tapos mommy lang niya ang nagtatrabaho habang dala dala siya sa sinapupunan, kung matino kang lalaki, maiisip mo talagang wala kang silbi at wala kang kwenta, ni hinde ko naisip na mag hanap agad agad ng trabaho, mas inisip ko pa ang iisipin ng ibang tao. 

Pinagdasal ko to,yung dapat kong gawin at bigyan ako ng konting tulak ng Diyos para naman malinawan ang puso at isip ko. ANo kasalanan nung bata nung naisip naming ipalaglag? Ang ate ko nga matagal ng gustong mag kaanak tapos ako ngayon meron na hinde pa aalagaan? Buti na lang nabasa ko ang ilang articles na sinulat sa isang forum on faith for the unexpected pregnancy, at ang verse na pinagbasehan 

 Genesis

1 In the beginning God created the heavens and the earth. 2Now the earth was formless and empty, darkness was over the surface of the deep, and the Spirit of God was hovering over the waters………29 Then God said, “I give you every seed-bearing plant on the face of the whole earth and every tree that has fruit with seed in it. They will be yours for food. 30 And to all the beasts of the earth and all the birds in the sky and all the creatures that move along the ground—everything that has the breath of life in it—I give every green plant for food.” And it was so. 

    31 God saw all that he had made, and it was very good. And there was evening, and there was morning—the sixth day.

God made all the things man kind needs in order to live a bountiful life on earth. Hinde pwedeng sabihin ng sinoman na hinde siya handa, nilatag muna ng Diyos lahat ng bagay bago niya ginawa ang tao. 

Nagising ako sa kalokohan ko. Nagpalinlang ako sa maikling panahon na nilukob ako ng pag iisip sa halip na maniwala at manalig sa Kanya.Mabuti na lang, mas pinili kong maniwala kaysa magpadala sa tukso ng kaaway.

Ilang buwan pat nalaman na rin ng aming mga magulang ang katotohanan. Noong una ay malamang sermon ang unang bumungad, pero pumasaan man ay natanggap na din nila ang lahat, nanay ko pa nga ang mas excited sakin sa paglabas ng apo niya. Hinde maitagong kasiyahan ang lagi niyang pinapakita. 

Akala ko nung una ay puro lang problema, sa halip, panay kasiyahan ang dulot ng isang bagong buhay ng Maykapal.

Guys Nedekwat phone ko

09161651961

New number ko. Pwede ring hinde kunin alam naman siguro nung mga friends ko kung sino lang pinapatungkulan ng mensaheng ito :) Thanks! Salamat sa prayers nga pala guys :) Text me para makapag ipon ipon uli ng numbers niyo guys :)

13 DAY OLD- MIRANDA AERES Y. LATICAN