Bago mag pasko :P haha ang taba ko PROMDATEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!
piyaisapiyaya answered your question:For the Girls: Sadya bang mahilig kayo maglagay ng password sa phone niyo?
May mga tao kasi na pag humiram ng phone nagbabasa ng messages sa inbox ng di nagpapaalam. :)
haha oo nga katulad ko :P charing ganun talaga ika nga nila socailly conscious haha di ba mas magandang term sa chismoso/a hi prom date
tumatandangpananong answered your question:For the Girls: Sadya bang mahilig kayo maglagay ng password sa phone niyo?
Kasi kaming mga babae mahilig sa chismis. Mapa-text man o chat e chismis padin. May password para di mahuling nangchichismis. Hihihi :>
haha oo nga kami rin namang mga lalake matsismis din no haha di lang halata kasi mas tahimik at private ang mga pinaguusapan namin wahaha lalo na kung babae :)
Bumalik ako pero saglit lang
I guess di na talaga magagawan ng paraan ang problemang yun. Haay. Let go ika nga nila. Pagod na rin kasi ang ate ko at ang nanay ko sa pag intinde sa mga kamag anak namin na wala na atang balak sa buong buhay nila kung hinde mang pwerwisyo o mabuhay na lang kahit may nasasagasaang tao.
Yes. Around 8 days from now baka maputulan kami ng ilaw dahil may nahuli o nakitang naka tap sa linya ng metro namin ng hinde namin nalalaman. Puro mura na nga ko sa isip ko kasi inakala kong walang naka tap samin. Alam mo yung nahuli na yun dati kaya sa isip isip ko kung nag tap man sila e hinde na samin aksi nga nagmulta na kami dati dahil dun. At ayun, nung isang araw, haay….
Sa mga bagong followers na nag follow kahit mukhang ang update ko ay parang bagyo na pabugso bugso na lang at di mo mamamalayan kung nandiyan man o wala, salamat pa din.
Sa aking mag kaibigan na patuloy na nakasubaybay at nandiyan pa din, kahit wala naman masyadong tumblr di ba? Alam ko naman mga cp numbers niyo hehe text text or fb na lang, by that time baka nag rent na lang ako ng pc sa mga shop haha. :))
sige. isang hi. hello nga pala :)
Ika-Pitong Libo (7000th Post)
Napakakonti kung ikukumpara sa ilan kong kakilala. Ang ilan nga kailan lang sa tumblr pero baka nalampasan na ang dami ng napaskil kong salita o mga katha. Ni hinde ko nga inakalang aabot ng ganyan kadami ang mga kalokohan o kawalang saysay na paskil dito sa tumblr.
Kailan ba ko nagsimula? Mga nobyembre ata noon nung una kong gamitin ang account na to. Yung tipong napadaan lang at tinignan kung ano bang kalokohan meron dito. Mga una ko pa noong sinundan ay si sieg, si ghing at si kheem. Yun yung panahon na hinde pa uso ang kaaretehan sa pagrereblog. Yung tipong reblog-chat ang tawag sa halip na mag usap sa ym o ibang paraan. Tinignan ko kasi yung mga una kong post, nakakatawa na ang kausap ko lang noon e si sieg at si ghing. Ano nga ba ang issue noon? Ah nung nag delete si soulscorpio (amiga leo ko na ngayon). Yung may kampanya para sa pagbabalik tumblr niya via kidaokagee at kaththecrapout.
Akalain mong aabot ng ganito katagal ang isang tulad ko sa isang blogging ooops i mean micro blogging site na ito. Hinde naman kasi ko palasulat o ganun kahilig maglabas ng mga saloobin ko gamit ang panulat. Isa kasi ko sa ilan na mas pipiliing tumahimik, kausapin ang sarili, magdasal sa kanto ng kwarto tapos itulog na lang kung ano mang problema meron. Pero nung napadpad ako dito sa lugar na to, di ko akalaing makakatagpo din ako ng mga kaibigan at mga nakakaintindi sakin kahit papano.
Tanda ko pa noon, nung finallow ako ni methz tapos sabi OMG i will faint, ang sagot naman niya “tao lang din po ako” haha, napahiya ako nung naalala ko edad ko haha. Bumalik sa pagkabata ang utak ko kapag may nagfollow back na gusto kong mag follow back. Kakatwang isipin na ang mga tao na nakilala ko ng personal dahil dito sa tumblr ay naging kaibigan ko sa totoong buhay.
Di pa ba ko magpapasalamat na napadaan na nga lang ako may bonus friends pa? Teka friends nga lang ba? E pano si girlfriend? :)
- Tumblrkda:
Sa inyo na naging karamay sa oras ng lungkot sa dash, kasabayang tumawa sa mga paskil na kakatwa at talaga namang mapapahalakhak ka, sa mga nababasang payong pang kaibigan o pang pag-ibig, sa mga nakakakilig na kwentong date sa ganito at sa ganyan o kahit tawanan sa mga bagay na tayo lang ang nagkakainitindihan, malapit na ang isang taon ng pinagsimulan. Di man ako kasali sa unang barkada, masaya naman na naging bahagi ako ng malaking pamilyang meron tayo ngayon.
Nakakatawa kasi nung mga unang pagkikita, nagpakilala, nag hi-hello tapos ayun FEELING CLOSE na agad sa isa’t isa. Ano man ang sabihin ng mga tao, ano mang hater-anon este sino man palang anon ang mangyurak sa inyong pagkatao, ang alam ko nagpapakatotoo lang kayo sa mga sinusulat niyo. Kawalan nila ang hinde pagintindi ng mga saracastic na post, o yung mga post na nag rereact sila kahit di naman sila kasali o damay. Basta ang alam ko masaya kong nakilala ko kayo at di magbabago yun.
Pero sa lahat ng kada na nakilala ko, mga amiga ko ang pinakamamahal ko. At syempre special mention dito si o so lovable rain(ze amateurdreamer). Bakit? Nako kung makikilala mo siya you’ll know why. He’s so sweet and friendly. Alam mo yung may parang hangin na nakapaligid sa kanya to make you fell comfortable when he is around. Yun ang pakiramdam ko tuwing nagkikita kami at pag nagbabasa ko ng posts niya. Hi rain, thank you for all the hugs. yes siya yung tipong mahal ng bong kada dahil sa o so tight hugs and ze attitude. :)
- Pakye Pamilya:
Ilan lang kasi ang close ko sa inyo kaya nahihiya pa kong ihiwalay tong post ko haha. Teka sino ba mga kahit papano ay close ko sa pakye? Dhel, prex(pakye ka diba?), amiga robi, alexis, grace, cedric?…. may papatay ba sakin kung di ko maalala? haha :) Pero nakakatuwa ang bonding niyo. Yung tipong gumagawa talaga kayo ng paraan para magkita kita at magsaya. Saludo ko sa inyo, the family that prays together stays together… Di ako katoliko pero totoo naman ang mga katagang yan di ba :)
- Sisterkada:
Ako na lang ang nagpangalan niyan. Sister kada kasi ang dami ko ng nakilala dito na ang tawag at turing sa akin e kuya. Unang una na si theallyeezy. Siya yung kasabayan ko sa pagpupuyat(ikaw na kabaligtaran ng timezone dito). Kadramahan at katawanan ko noon at ngayon. Yung tipong asar na asar siya sa pagtawag ko a kanya ng PRETTY SIS, kahit totoo naman at based on survey ang aking bintang. haha. Well nauna na si mich sa pinas kaya ikaw magbalak balak ka na ng bakasyon o pag stay mo dito. :)
Sa iba ko namang kapatid, ooops teka meron pang isa, si erica ze enigmaticsoulsistah. Ang kapatid ko sa yakult. Oo hanggang ngayon kasi may utang pa kong yakult sa kanya. Nako naman kasi, tuwing nagkikita kami nagmamadali ang babaeng ito sa paglarga. Well sa susunod magpapakita ka naman ng matagal tagal ha? :)
Sa aking mga kapatid, oo kayo kausap ko magparamdam nga kayo ha. Tsktsk. sino sino kayo? nubain, princesswannabe, littleyellowalien ano? ano ng nangyari sa mga buhay niyo aber?
- Inuman kada
Pwede ba namang kalimutan ang bawat inuman na mahirap tanggihan? Sige plastic ako kung ayaw ko yun di ba. Pero nag iiwas na ko ngayon pero that doesn’t mean na hinde ko na kakilala o kaibigan ang mga nakasama ko sa bawat inuman. Una na ang tumblrkada peepz, ze sherwood people, intramuog folks at syempre ang biglang aya people starting with the one and only prex(kontrobersyal).
- Trinoma/LOVES Kada
Sila ang mga taong nameet via trinoma o di kaya madalas na kitaan ay trinoma. Una sa listahan, Katrina luciano and Dani Santelices. Mga ka emohan days ko noon haha. Yung tipong magkita naman tayo guys tapos puro usapang pag ibig ba naman ang pag usapan. haha :) Kaloka I miss you two. :’( Next sa listahan ay ang LOVESKADA, jam, piya(promdate), javeline, brenda, dette and tin. Kaloka kayo mga busy hmp. Kayo na kayo na talaga namimiss ko na kayo ples naman drop those things kapag kaya niyo na.
- AERIELLE ze GIRLFRIEND
Pwede ba namang makalimutan yung taong nagpapasaya sakin? Yung taong di ko inaasahang paglalaanan ko ng oras at panahon. Well, isa sa di inaasahan pero masayang bahagi ng buhay tumblr ay yung nameet ko si aerielle. Una nung free hugs pero mas nakilala ko siya nung MOA meet up via (elephantonadiet). Iyakan, kwentuhan turned out to be a korni love story haha charing.
Sa una sobrang shaky ng relationship namin, siguro kulang sa roots kaya ganun pero nagawan naman ng paraan. Masaya ko na nandito pa din kami para sa isa’t isa kahit sobrang daming dumaang problema. Bumalik sa tumblr tong babaeng to pero di naman nag post ng kahit ano kaloka haha.
Teh, I love you . Kaya natin yan. May God grant our prayers. :) Love you.
PAALALA:
Maari po kayong magbigay ng reaksyon sa aking facebook account kung kayo ay friend ko o di kaya naman ay via tumblr-ask(anon is enabled kung mahiyain ka) Pwede rin ang bayolenteng reaksyon tinatanggap ko yan.
piyaisapiyaya replied to your photo:GPOY Nakikiuso.Kahit langis at tumatagas sa aking…
I MISS YOUUUUU!!!!
Sino bang nagsabing hinde kita namimiss aber? nako prom date tsktsk stressed ka pa ba ng lagay na yun sa GPOY mo? nakakahiya naman saming hinde gaanong stressed
i unfollowed someone convo
brends: may inunfollow ako letter P
ako: :( inunfollow mo ko
brends: p nga e
ako: oo nga Pokaykabachan, si Piyaisapiayaya, Pamateurdreamer ang dami mong inunfollow si Pangelojavier pa



