Ganito ang bangag
Ako: Ayan na ang TAHO!!!! Makabili nga
Jay: (nakita ang NO JAYWALKING sign biglang TAKBO)
Ako: Bakit?
Jay: Bawal pala ko maglakad dito e
Ako: O.o ITULOG MO YAN PAGUWI
Noong nabuhay tayo sa Click!
Napansin mo ba? Ang alin? Yung bilis ng takbo ng panahon. Parang kailan lang sanay ka pang magbuklat ng libro, bawat pahina dahan dahan mong binubulatlat makita mo lang ang sagot sa tanong mo o sa takdang aralin niyo. Nakakatawang isipin na sa bawat paglipat mo ng pahina noon ay nakakatuwaan mong lagpasan ang bawat detalye.
Pero hinde naman naiiba sa panahon ngayon ang ganoong gawain. Sa panahong nabubuhay ka sa Click at touch, hinde pa rin nawawala ang kawalan ng interes sa maraming bagay. Halimbawa, kung maghahanap ka ng kung ano man sa google, di ba talamak ang copy paste, pero nakakahiya naman sa prof mo kung pati yung naka link at italicize e maipapasa mo di ba? Anong gagawin ng prof mo dun sa printed paper na may hyperlink? I-imagine na touch screen yung papel? O di kaya anong silbi nung ilang talatang hinde naman pala kailangan sa assignment at topic niyo? Ang saya naman kasi magtype sa google di ba pero di man lang binasa ng buo para naman kahit papano alam niya yung kinukuhang impormasyon.
Wala lang naman akong matinong dahilan sa pagsulat nito, natawa lang ako kasi ang bilis kong mag click ng tabs na parang alam ko na ang hinahanap ko, sa bawat pasada sa pahina alam ko kung ano ang makakaagaw ng atensyon ko at kung saan ko ihihinto ang cursor ng mouse ko. Ikaw ganun din ba ang pakiramdam mo?
Opinionated News
Di ko alam kung maraming mag unfollow o maraming mag disagree pero lumalabo na ang paraan ng pagbabalita ngayon. Alam mo yung bukod sa masyado nang common e nauuso pa ang opinyon ng mga nagbabalita. Di ako mass communication o broad com student pero sa tingin ko pa lang e hinde na kailngan ng publiko ang opinyon ng taga pagbalita, hinde dahil ayaw ko lang sa ganung paraan pero nababahiran kasi ng opinyo ang sa halip na purong balita lamang.
Mas maganda pa rin yung hinde napapalitan o nagbabago ng isip ang taong bayan dahil lang sa simpleng pasaring ng ilang mamamahayag sa radyo, telebisyon o sa lathalain. Kakatwa lang kasi na hinde lang naihahatid ang nakuhang balita, nadadagdagan pa ng ibang ideya.
Ganun talaga, opinyon ko lang naman. Keep on giving the nation what you think is right and what you define as “news”
Mas mabuting maging tama
Kaysa makiuso
Dahil ang uso, nalalaos din, ang tama, tama pa din lalo na para sa sarili mo. Ang hirap lang makidaloy tapos sa sobrang bilis ng agos hinde ka na nakasunod. Mabilis na nakakawala ng interes ang mga bagay na wala namang kinahihinatnan sa huli kundi panghihinayang sa oras na nasayang lang.
Ang gulo ng utak ko ngayong gabi. Mabuti na siguro ang pahinga para naman gumana ng maayos ang ulo ko pati ang buong katawan ko kasi tila nagsasabing, “pare pagod ka na, damang dama mo naman pero bakit di mo makuhang magpahinga” Kaso hinde ko naman masabing, ” kasi hinde ko pa rin alam ang tunay na problema” Kita mo, ni walang koneksyon ang naunang talata sa mga pinagsasabi kong ito. :|
Nagkalat ang photography sideline :|
Pero pag nakikita ko mga photo shoot ek ek ng tropa at ng ilang pinafollow ko na libreng libre, nakakatuwa lang :) Photos of ideal happiness ang nakikita ko sa tuwing may nag post dito ng photo ng isa’t isa :) May meet up pala kahapon haha. kaso nahiya ako pumunta dun, wala kong skills sa arts wala din akong camera haha :P
Halo halong thoughts a. wow. ayan ang tinatawag na random haha. a.k.a magulong blog