The P 99.00 Trend

Kung mapapansin mo, este kung mapapansin ng mahihilig mamili ng kung ano ano, trending yung advertising pricing strategies ngayon. Advertising strategies in a sense kasi nakakapukaw atensyon ang mga presyong hinde aabot ng isang daan kaya ang daing sayo e nakakatipid ka kahit piso lang naman talaga ang tunay na sukli mo.

Unahin na natin yung sa mang inasal, P99 tapos unli rice, grabe no, tanda ko pa noon na kung ganitong presyuhan lang e wala kang makukuhang ganyang benefits noon. Nakaktulong nga naman na ang trend sa merkado ay pumapabor sa mga kapos o dun lang sa middle class. Maraming nabibili ngayon na gamit na hinde na ganun kamahal o di kaya nabibili mo na kasi mas flexible na ang options mo. Well buti na rin yun para kahit papano hinde napapansin ng mga konsyumer na iisang o iilan lang din ang may ari ng naglalakihang sangay ng fast food at mall.

Trends sa Food, Mall at Galaan:

1. Mang inasal

2. Savemore

3. Puregold

At kung ano ano pang biglang nag sulputan na parang kabute sa dami. Kakaiba no? Para nga naman daw bawat siyudad e may Savemore at Puregold, tapos bawat kanto may unlimited rice ka :P

The relationship trend

  1. Strangers
  2. The Chase
  3. Honeymoon
  4. Comfortable
  5. Tolerance
  6. Downhill
  7. Breaking-up

This is the trend based on the youtube video all over the dashboard. 

You know what? You will be lucky enough to even make it all those things mentioned. Why? Because what really happens or the common trends in reality would be just like this:

  1. Strangers
  2. Honeymoon
  3. Break-Up

You don’t agree? Seriously, observe the relationships of your friends or even your own relationship with someone. You don’t even reach the “comfortable” part. Meeting a stranger, flirting and stuff, then breaking up. I would never call it breaking up because not even a single hint of formal relationship was established. You should be guarding your heart and your views on love. Don’t get carried away by how the world defines love.

kapag ako naging presidente ng pilipinas

Will you be my first lady?

Trending, trending, trending

Wala naman yan kung trending ang isang bagay o kaisipan, na sa sa iyo yan kung susunod ka sa uso o magmumukmok ka diyan sa isang tabi o mas masaklap e mag yayabang na “hinde ako ganyan e hinde ko trip”

Kanya kanyang pananaw yan lalo na sa pananamit. Ilang  linggo ko na kasing napapansin ang isang uri ng sapatos sa mall, sa kalye at sa divisoria. Mga sapatos na alam niyo na ang itsura di ba? Yung patulis at parang pambabae pero panlalaki naman talaga. 

Ang tanong ko lang, bakit pati rakista yun na din ang suot? Di ba mas tama sa porma nila yung chucks? tanong to ha, o di kaya, bakit may nagsusuot nun tapos hinde terno sa kahit anong suot nila yung kulay o kahit porma nung sapatos. Nasa uso nga pero may binabagayan o di kaya may tamang pagsusuot ng mga yun. Katulad ko, malapad ang paa ko kaya hinde ko ipipilit na mag suot ng ganun peke man o original kasi hinde ako komportable :| Dagdag mo pang hinde bagay sakin yung nauusong bitin na pantalon, hinde lang sa hinde bagay, OC ako kaya masakit sa mata kung ganun ang isusuot ko :| 

Pananaw ko to e, mas mabuti ng maging kumportable ako kaysa naman makiusso tapos pag uwi ko aangal akong masakit ang paa ko o di kaya nasira na yung damit kong pinagpipilitan kong kasya pero sa totoo sasabog na pag huminga ko.