Being happy is always optional
It will depend on the choices you will make. Not all people who have the money and all the riches in the world are happy. Hinde rin lahat ng buo ang pamilya ay masaya kumpara sa mga lumaking salat sa kalinga. Hinde porket laki sa kalye ang isang tao ay may kakulangan siya sa pagkatao.
Kung mapapansin mo, sa Pilipinas pa lang, mas namomrblema pa ang mga mayayaman sa kung paano palalaguin ang perang meron na sila kumpara sa mahihirap na ang tanging iniintindi ay kung makakakain lang sila ng sapat sa buong araw. Isa ngang basehan ng pagiging masayahin ng mga Pilipino ang patuloy na pagngiti sa harap ng mga pagsubok.
Nakakaluwag ng loob yung makakita ka ng mga nakatira sa squatter’s area na alam mong nahirapan sila buong araw makaraos lang, tapos naghahalakhakan pa din tuwing nagkwekwentuhan. Nakakabawas ng problema yung humanap ka ng magiging inspirasyon at paghuhugutan ng kaisipang “maswerte pa pala ko ng lagay na to” at maitatak mo sa kokote at sa puso mo na bawat problema may solusyon, na bawat pagsubok na ipagkaloob at siguradong may lusot.
The no teeth smile
Consistent pa din ako sa no teeth smile ko sa kahit saang lugar. Sa training room namin yan sa trabaho at poof ang paborito ko na namang jacket ang nakuhaan, PS: di lang po iyan ang jacket na meron ako baka akalain niyon sobrang poorita naman ako.
Nako sana gumanda naman smile ko na labas ngipin para maipost minsan haha
Tips para di masikipan sa jeep:
- Para sa katamtaman ang laki ng katawan
Mabuting umupo sa kahit anong side ng jeep. Hinde ka na mag iisip na ikaw ang dahilan ng kasikipan dahil katamtaman lang naman ang kaha mo. Huwag ka na lang lumingon sa iba para di ka madamay sa sigaw ng barker.
- Para sa payat
Mabuting umupo sa side na may mataba. Yung tipong mukha ng hinde kakasya ang dalawang tao kung hine ikaw at ka size mo ang uupo. Mabuti ito para makaiwas kayo, oo ang mga tao sa jeep sa sikip at pilit siksik na tinatawag ng karamihan.
- Para sa matabang katulad ko
Ugaliing piliin ang side ng jeep na may payat o di kaya naman ay dun ka na sa wala kang kasize, please lang, huwag kang uupos sa side ng jeep na meron ng mataba kasi ang siyaman e nagiging pituhan lang, sa huli pipilit pa din ng drayber o ng barker na siyam ang kasya, minsan mapaparinggan ka pa na hinde ka umuusog kahit pinipilit mo sa abot ng iyong makakaya na siksikin ang sarili mong taba makaupo lang ang iba.
- Para sa malaki ang kaha o sadyang matangkad lang
Try mo mag ibang way, bus o mrt/lrt, ang hirap kasi mag isip kung pano hinde sisitahin ng barker ang mga 6 footer e o kaya yung pang dalawang tao talaga ang kaha kahit hinde ka mataba. O kaya magbayad ka na lang ng para sa dalawang tao kung gusto mo lang naman.
PS: di ka pwede sa MOA cabs kasi hinde na makakapasok ang ibang pasahero sa liit ng multicab na yun.
Political Coincidence
Sa kabikabilang problema ng bansa, isang lutang na lutang na kalokohan ang tinuturing daw na public trial pero sila mismo e parang mga hari at reyna na tila hinde apektado ng tinatawag na batas. Sadya o tunay ang pagkakasakit ng mag asawang pinapaharap sa alegasyon ng pandaraya?
Kakatwang isipin na nagkasakit bigla ang mag asawang Arroyo nung tipong papalapit na yung imbestigasyon. Nakalabas ng bansa yung isa bago magpalabas ng hold departure, nakaleave naman yung isa para sa operasyon. Ang galing no? Ang husay din ng pagkakaplano ng di umanoy dayaan kung sila man talaga ang may kasalanan. Kumbaga perfect crime ang pagkakagawa. Walang ebidensya laban sa kanila, puro here say lang ang bawat detalye ng kung sino mang lumalabas.
Teka preno muna, isa pa palang dapat manahimik sa pwesto niya yung dating pulis na tumakas din at bumalik na parang walang nangyari. Ang lakas ng loob magturo tapos siya naman e pinalipas lang ang isang taon para mawala yung kaso, kahusay nga naman, pero yung mga napagbintangan lang at naplantahan ng droga sa ilang kalye sa Maynila, ayun nakakulong pa din naman sila, hinde na nga hinihimas yung rehas e, pinupunasan na para kumintab sa tagal nila sa loob.
Di ko maatim kung gano kadumi ang pulitika dito. Parang sinabi na rin ng batas na kung wala kang kapangyarihan para pagtakpan ang mga alegasyon, tapos nakasuhan ka, poof isa lang ang bagsak mo, kulungan.
Kung totoo man o hinde ang mga paratang sa mag asawang arroyo, bahala na sila, ang iniisip ng ilang kapitbahay ko? “Di nga sila nakukulong, tignan mo naman ang nangyayari sa katawan nila, unti unti yung pagkain ng mga kasalanan”
Marahil nasabi yan ng ilang taga rito sa amin dahil na rin sa paniniwala sa karma at panunuod ng sobrang balita na puro negatibo laban sa mga akusado. Malay natin kung ano ang totoo sa hinde. Magaling magsalita yung abogado e tapos bawal mastress yung akusado, san ka pa lulugar, e di problemahin mo na lang daw ang sarili mong problema at unahin mo na yung tweet ng paborito mong artista, sasaya ka pa. Pero sa huli, apektado pa rin naman talaga tayo, apektado ng mga taong nakapag nakaw ng limpak limpak, na sana naipamahagi at naitulong na lang sa pag angat ng antas ng kabuhayan sa pinas.
May Alam Ka Bang Balita?
Ang sarap huminga. Sa bwat pintig ng puso koy saya ang nadarama. Kahit papano’y nakakaalis ng probvlema ang pag iisip ng simple at hinde kumplikadong mga bagay bagay. Minsan natatawa na lang ako bigla ng hinde ko namamalayan. Napapaiyak kasi may bigla kang naalala. Ang daloy ng mga letra’y biglang bumubuhos. Yung tipong wala kang mapagsidlan, wala kang mapagtapunan, gusto mong ipagsigawan pero alam mong hinde ka mapakikinggan o wala ng may alam, wala ng may pakialam.
Napapansin pa kaya ang sulatin ng mga dyaryo? O lubhang kinain na ng malalaking letra at litrato ang utak ng dating Pilipinong hayok sa balita at panulat ng kung sino mang lokong maisipang gumawa ng taludtod ng mga salitang hango sa isip at imahinasyon. Wala ng laman ang diyaryo ngayon. Wala na ang dating “trivia” o yung editorial na kaaya aya, puro na lang “pang mulat daw” na patutsada sa kung sino mang kongresista.
Bumuklat ako isang araw ng tabloid. Kaawa awang pinanindigan na ata ng maraming artikulong nasilayan ko na kapag tabloid e puro maliliit na balita o kung hinde naman, lagpas kalahati ng pahina ang tungkol ay Kris Aquino at kung sino mang naissue, kay P-noy at ang mga kalaban niya sa pulitika, ang pa showbiz ng Azkals members na dati namang nasa showbiz talaga o di kaya at Headline na daig pa rin ng seksing artista sa tabi niya.
Panatiko ako ng balita. Panatiko ng mga newscaster at mga gumagawa este naghahanap ng balita sa kung saan man mapadpad. Saglit na nga lang ay mas iniidolo ko pa sila sa mga artista.
Kailan pa nauso ang paunahang maka interview sa dating nagtago at ngayon ay lumantad? Kailan pa naging mahalagang nauna ka sa balitang mukhang nilagyan na ng kulay at bahid ng pulitika? Nasan na ang kredibilidad at purong pagmamahal sa tunay at walang halong kabuktutan na pamamahayag.
Maraming Pilipino ngayon ang bulag. Bulag na may balitang dpat pahalagahan. Hinde tunay na balita ang buhay ng artista. Hinde tunay na balita ang paulit ulit na bangayan ng mga tao sa senado at kongreso. Hinde tunay na balita ang ganung uri ng bangayang sa huli wala naman kasing pinatutunguhan. Ang tunay na balita, nasa puso at isipan ng nagbasa at nakakita, ipinamamahagi kasi dapat at alam niyang mahalaga sa pag unlad ng kapwa at ng bansa.
Ikaw may alam ka bang balita?
How to make a girl cry and break
- Manumbat ka
Isumbat mo lahat ng ginawa mo sa kanya, kung hinde siya maiyak, tiyak sapak o sampal ang aabutin mo. Unless otherwise gusto na rin niyang makipagbreak sa’yo tatawa yan sa loob loob niya.
- Kalimutan mo ang monthsary o anniversary niyo
Kung ang girl mo ay sentimental, mahilig sa ‘sary sary thing, tiyak luha ang papatak sa oras na makalimot ka sa mga petsa at kung ano ano pang mahagang “araw” di umano sa relasyon niyo.
- Ayawan mo ang regalo niya sayo
Yung tipong walang halong kaplastikan mong sasabihin na hinde mo trip ang niregalo o binigay niya para sayo. Nako hinde lang siguro iyak kung hinde hagul gol ang labas niyan.
- Awayin mo sabihin mo mahal pa rin niya ex niya
Ito madalas pagtalunan ng magsing irog. Ang ex o ang kahit sinong may link sa puso nino man. Iyakan at drama lines na “di ko na siya mahal ikaw na nga di ba” ang maririnig mo.
- Flirt with other girls
Unless manhid o sobrang obsessed sayo ni girl, di na kailangan pang i discuss to.
- “Unahin mo ang barkada mo issue”
Yung tipong papili scene ang nagaganap nito e. Piliin mo kabarkada mo over her. Ang poof it became tears. kaloka di ba. Ewan ko pero kahit anong sabihin mo dadadting sa puntong may pipiliin ka sa dalawa, pero sa mga sitwasyon lang yan hinde forever.
You don’t want to see someone’s blog?
Then Unfollow
Haters have their own issues. Not just because they are irritated or insecure but deep inside they want to be part of the fun that you are enjoying. Read. React with Respect. Delete/Unfollow. You don’t have to take the burden of reading and listening to every word that a hater would say.
Haters need help indeed. Self realizations, self meditation and acceptance that not all will were born to please them.
PS: epekto ata ng kape to.
Noon at Ngayon Series:
Larong Bata
- Noon:
Noon, hinde pa uso ang kompyuter kaya ang kabataan ay matatawag na lulong pa s sa larong kalye. Mga larong nauso noon at tila naglalaho na sa makabagong henerasyon. Nakakalungkot na makikita na lang ang mga larong ito sa “blogs” o kaya naman ay napag uusap usapan na lang ng karamihan. Ilan lang sa mga larong unti unti ng kinakain ng modernong panahon ang, piko, tumbang preso, patintero, luksong baka/tinik, taguan, langit lupa, sipa, trumpo at ilan pang larong pinoy.
- Ngayon
Ngayon, ano na ba ang usong laro? Fb apps, DOTA, CS, ragna at puro na lang larong gumagamit ng pc o internet. Bukod sa nakaka konsumo sa kuryente e nakakalabo pa ng mata at nakaka apekto ng husto sa pag aaral at kabuhayan ng karamihan ngayon. Pero kanya kanya namang trip yan. Nagkataon lang na ang iba nasosobrahan at ginagawang buhay ang nasa loob ng kaniyakaniyang pc.

