Distributed
Ayun, starting monday, ibang team and ibang sup na ang makakaharap ko sa work. Sana lang hinde maging pabigay sa mga tenured at higit sa lahat e hinde maging dahilan ng pagbaba ng team status O.o puro high skill people ang kasama ko sa team so dapat i maintain ang QA scores na matino.
Mamimiss ko ang original wavemates ko na maiingay haha bawal na ata mag ingay nagyon sa team namin nakakahiya naman baka mapahiya O.o
Sheming with Wave 47
Wave 47 for BNYMellon, sila na ang pamilya ko for the past month. Ilang gabing pinaglalabanan ang mga antok, ilang gabing sumasabog na ang utak sa information overload sa mga pinagsasabi ng pinakamamahal naming trainer, at ilang gabing nakikipag inuman sa mga kasamahan na ang tinutunga ay cobra o kape na isang dangkal ata ang purong laman.
Well, kahit papano nakapag relax kami nung sheming namin sa cavite circle island, bandang molino ata yun. Masaya na isang buwan lang e bonggang bongga na ang samahan.
Tatlong Bakla
Partei to nung linggo sa Le Pavillion. Party ng Alorica. Ayun first time ko makapunta sa company party e kasi naman first work ko, training pa nga e di pa regular haha. And well tong dalawang to ang masasabi kong pinakamasaya kong kasama at kausap sa work.
Sa left, si Daryl a.k.a K.thindig e nako lagi kong kasundo sa maraming bagay lalo na sa pag rereview haha. Adik e no, para pumasa sa mock calls and exams di kami naghihiwalay ng landas ng maayos ang kalagyan namin haha. Pinagkakasunduan din namin ang pang ookray sa mga bagay bagay. At higit sa lahat e madali lang kami nagkakaintindihan kung ang isang tao e wala sa lugar.
Si nathan naman on my right e kasabay ko umuwi sa umaga. Sa buendia din ang way niya. Dati bonggang bus pa ang byahe ng lola e nakitang mas madali yung way na dinadaanan ko, ayun nag change route haha.
Sana lang, ma certify na kami O.O isang linggong LIVE CALLS OMG!!!!
Aja. Lord bless us all.
A little faith
Mukhang di na nagpapang abot ang ilang tao dito kasama na ko dun. Ganito pala buhay call center, nakabaligtad na nga araw mo, sabayan mo pa ng pag aaral, boom, sabog sabog na kung wala kang budgeting sa oras ng gising at tulog. Ang galing nga e nakakatagal pa ko kahit papano.
Well sana naman magtuloy tuloy pa to. Masaya naman ako sa bawat aspeto ng buhay ko ngayon. Nakakatuwa nga na kahit hirap e nakakaraos pa rin. Yung tipong pinagkakaloob pa din ng Diyos ang mga bagay bagay ng hinde mo inaasahan.
Malaki talaga ang pasasalamat ko sa Diyos. Ultimo singkong kusing ngayon mahalaga kasi ikaw ang nagtatarabaho at nagpapakahirap para dun. Sana lang sa loob ng dalawang linggo ma certify na ko.
Include me in your prayers. Two weeks time live calls na certification AJA Team TAGS..
Workforce(alorica formerly acs)
Ang saya lang kahit training period pa lang e nag eenjoy naman ako sa work hinde lang dahil may sinisweldo pero masaya kasi yung mga nakakasama ko sa araw araw na kahirap na pagsusuksok sa utak ng napakaraming bagay. Malaking factor nga sa work ang kasundo mo mga katrabaho mo.
Ayun o kaya di nakakatulog kasi nag aagahan pa bago umuwi haha :P
Ganito ang bangag
Ako: Ayan na ang TAHO!!!! Makabili nga
Jay: (nakita ang NO JAYWALKING sign biglang TAKBO)
Ako: Bakit?
Jay: Bawal pala ko maglakad dito e
Ako: O.o ITULOG MO YAN PAGUWI
E yung buhay pa pala ko
Dahil sabay ang work at studies e halos hinde ko na nabubuksan to :| hinde pa nagana ang “https:” sa work kaya fb lang ang nabubuksan, ay mali naka internet explorer6 lang pala dun kaya di mabuksan ang tumblr. O well, ang saya pala sa pakiramdam ng sarili mong sweldo ang gagastusin mo. Yung tipong mapapagastos ka ng sobra pero ayos lang kasi alam mong pinaghirapan mo yun. Hay salamat Lord sa maluwag na sched sa school at fitting sched for work.
Kung di mo ko nilatagan ng magandang sched baka wala parehong matino sa choices ko.
Time Management
Studying + Work = Efficient Time Management = God’s Will
I’m currently working and studying at the same time. Nung una kala ko sobrang hirap ng mangyayaring set up, kasi ba naman first time ko mag work, first time kong kumuha ng kung ano anong requirements, at first time kong aayusin ang oras ko ng matino, yung kapakipakinabang ultimo isang minuto nito.
Pero mas importante yung last part, God’s will. Bakit? Kasi pinagpray ko to. Sabi ko “Lord, give me great sched sa school” so great na hinde mo aasahang nag fit lahat ng subject at may time pa ko para makapahinga at makatulog. Grabe lang, I’m so blessed sa mga nagdaang araw.
Enjoying your work
Not just because of the things you are doing but because you enjoy the company you have back in the office. I mean, you will definitely quit your work if your co-workers are too noisy, boring or whatsoever. I just love being with people whom I never imagined to be this attached to me in such a short period.
K. Sleep O.o
Wrong timing naman na ulan
Yung tipong pauwi ka na walang ulan tapos pag malapit ka na sa bahay e bigla ba namang babagsak, pagpasok na pagpasok sa bahay aaraw o mawawala ang ulan. Grr o kaya naman kung kailan ka may lakad at pupuntahan, an hour or minutes before that e babagsak ang nagbabadyang ulan.
Nakakainis pa naman magbitbit ng payong. Basa, mabigat, walang mapaglagyaan sa bag. Kaya ng madalas nasasabing: “Ang tunay na lalaki, hinde nagdadala ng payong” kasi naman nakakatamad talaga lalo na sa mga lalaki na hinde sanay magbitbit ng maraming gamit.
Ngayon ko na kailangan ng maliit na payong para naman hinde masyadong bulky sa bag. O.o


